Alden iiwan ang showbiz sa ngalan ng pag-ibig: Magpo-focus ako sa family ko
KINUMPIRMA ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na may international project siyang gagawin sa pagpasok ng 2024.
Magtatapos ang 2023 ni Alden nang bonggang-bongga dahil bukod sa mga nauna niyang achievements sa pagsisimula pa lang ng taon hanggang sa nalalapit na pagtatapos nito, may entry pa siya ngayon sa Metro Manila Film Festival 2023.
Magaganda ang feedbacks at reviews sa entry ng Cineko Productions sa taunang filmfest, ang “Family of Two (A Mother and Son Story)” nina Alden at Sharon Cuneta na nagkaroon ng premiere night kamakailan.
View this post on Instagram
Kaya naman umaasa ang Kapuso matinee idol na susuportahan ng mga Pinoy ang unang pelikulang pinagsamahan nila ng nag-iisang Megastar na showing na simula sa December 25.
Wish ni Alden, sana’y malagpasan o mapantayan ng “Family of Two” ang blockbuster movie nila ni Julia Montes na “Five Breakups and A Romance.”
Sabi ni Alden, excited na rin siya sa mga susunod niyang projects sa GMA at sa mga naka-line up na bagong proyekto ng pag-aari niyang Myriad Corporation. As in punumpuno na raw ang schedule niya para sa 2024.
Baka Bet Mo: Alden bilib sa pagiging totoong tao ni Julia, 2 araw nag-bonding: ‘She’s really a brave woman! Ang tapang!’
“Sobrang dami po naming gagawin next year. In terms of concerts, international concerts, meron din po akong international film na gagawin next year.
“Sa New York ko po siya isu-shoot, tapos foreign production po siya.
“It’s a trilogy of short films. Pero it’s more on an advocacy film po siya on women empowerment and women’s rights po,” pagbabahagi ng award-winning actor at TV host nang makatsikahan namin sa kanyang pa-thanksgiving party sa press last December 17, na ginanap sa pag-aari rin niyang Stardust Bar sa Makati City.
Samantala, natanong ang binata kung ano na ang mangyayari sa kanyang lovelife lalo pa’t sobrang dami na naman ng projects niya sa susunod na taon.
View this post on Instagram
Aminado si Alden na hindi niya kayang pagsabayin ang lovelife at showbiz career sa ngayon. At kung sakaling magkakasyowa na siya, baka raw ito ba rin yung time na magla-lie low siya sa showbiz.
“Parang ganu’n ko po siya iniisip. Ready na pong iwan yung work ko. Ready na po akong mag-lie low.
“Ang hirap kasi nun, parang halimbawa mag-partner ka and then…I’m not saying hindi ko siya inuunahan ng iisipin ng partner ko.
Baka Bet Mo: Daniel Padilla bibida sa tatlong pelikula, makakasama sina John Arcilla, Zanjoe Marudo, at Kathryn Bernardo
“But really, it’s more of…. if I wanna venture into settling down stage, gusto ko nandu’n ako sa family ko. Gusto ko yung mga anak ko, makikita ko yung paglaki nila.
“Kaya nakikita po natin ang iba natin ang mga nakakasama natin sa showbiz, nawawala for sometime and then babalik.
“Ako po kasi, siguro by the time na magka-family, mas focus ko yung family ko. And then, kapag nagkaroon na lang ako ng chance na makabalik, babalik po tayo,” paliwanag ni Alden.
Sa tanong kung ano ang mas gusto niya, showbiz o non-showbiz girlfriend, “Kasi may mako-compromise po ako and right now, ayoko siyang pangunahan, and ayoko ring sabihin na ayoko ng showbiz, ayaw ko ng non-showbiz. Come what may po.
“So far, ang come what may naman po sa akin nagwu-work, e. Kaya hintayin ko na lang po,” tugon ng Pambansang Bae.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.