Piolo gustong gumanap na Ferdinand Marcos, Sr. sa pelikula; budget ng MMFF 2023 entry na ‘Mallari’ halos umabot sa P100-M
KUNG mabibigyan ng pagkakataon, gustong gawin ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual ang makulay at kontrobersyal na life story ni former President Ferdinand Marcos.
Yan ang inamin ng Ultimate Leading Man nang muli siyang humarap sa ilang members ng entertainment media para sa promo ng mga naka-line up na projects niya sa mga susunod na buwan.
Kabilang na riyan ang official entry ng Mentorque Productions ni Bryan Dy sa Metro Manila Film Festival 2023, ang horror-suspense-drama na “Mallari”.
Sey ng award-winning actor, gustung-gusto niyang gumanap sa isang proyekto bilang si Ferdinand Marcos, Sr., ang ama ng kasalukuyang pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..
Baka Bet Mo: Piolo Pascual hindi agad tinanggap ang ‘Mallari’: Tatlong characters, napakahirap!
Kuwento ni Papa P, gumanap na raw siya noon bilang si dating Sen. Ninoy Aquino kaya sana raw ay makagawa siya ng isang project as former President Ferdinand Marcos.
“This one is intriguing. All my life, I wanted to do a story about Marcos, Ferdinand Marcos. I grew up not during Martial law. I was born in 1977.
“But I was already alive during the EDSA revolution, naririnig ko ‘yung mga tora-tora, my mom was working for the government for almost 20 years.
View this post on Instagram
“So, I grew up during Marcos’ time. So yun lang. Nagawa ko na yung Ninoy (Aquino) sa ‘MMK’ and I find that person interesting,” pahayag ni Piolo nang matanong kung may dream role pa ba siya na hindi nagagampanan.
Birong hirit pa ng aktor habang tumatalakay, “Siguro in three years, kapag may edad na ako. Thirty pa lang kasi ako ngayon, eh.”
Baka Bet Mo: Producer ng ‘Mallari’ pinaghandaan ang talent fee ni Piolo: ‘Hindi na kami nagtangkang tumawad, kasi…’
Samantala, ngayon pa lang ay abangers na ang mga supporters ni Papa P sa kanyang MMFF 2023 entry na “Mallari” kung saan makakasama rin niya sina Gloria Diaz, JC Santos, Mylene Dizon at marami pang iba.
In fairness, sa trailer pa lang ay marami na ang nagsasabi na mukhang hahakot ng awards ang pelikula kabilang na ang best actor para kay Piolo.
Ayon sa producer ng pelikula na si Bryan Dy, almost P100 million ang budget ng “Mallari” dahil hindi sila tumawad sa hininging talent fee ni Papa P na tatlong karakter ang gagampanan sa movie.
Aminado naman ang batang producer na talagang ibinigay ni Piolo ang lahat-lahat para sa “Mallari” na tumatalakay sa buhay ni Juan Severino Mallari, ang Filipino Catholic priest na nakapatay ng maraming tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.