AC Bonifacio may sarili nang van after 9 years: First big girl purchase!
PUNONG-PUNO ng galak at excitement ang Kapamilya young star na si AC Bonifacio sa kanyang bagong investment.
Nakabili na kasi siya ng sarili niyang van makalipas ang siyam na taon mula nang mag-umpisa ang kanyang showbiz career.
Sa Instagram, proud na ibinandera ni AC ang kanyang pictures habang ipinapakita ang isang kulay itim na van na naka-ribbon.
Makikita rin na kasama niya ang ina na si Cherry Lapidario sa pagkuha ng sasakyan.
Baka Bet Mo: AC Bonifacio payag bang mag-audition sa Korea para maging K-Pop idol?
“My first big girl purchase! After 9 years, I’ve finally bought myself a van!” masayang caption ni AC sa post.
Aniya pa, “Been holding this off for years and now, I’ve found a reason to push through with it.”
View this post on Instagram
Sa comment section, maraming kapwa-celebrities ang nagpaabot ng “congratulatory” messages kay AC.
Kabilang na riyan sina Darren Espanto, Gary Valenciano, Martin Nievera, Yeng Constantino, Chie Filomeno, Rayver Cruz, at marami pang iba.
“Yieee, ‘di na siya magpapahatid-sundo samin,” sambit ni Darren.
Komento naman ni Yeng, “Nice congraaaats!!!! Happy for youuuu!”
Kung matatandaan, unang sumikat at nakilala ang Kapamilya actress bilang parte ng dancing duo na “Lucky Aces” na itinampok sa dating sikat na American TV program na “The Ellen DeGeneres Show.”
Makalipas ang isang taon, sumali siya at ang kasama niyang si Lucky Ancheta sa ABS-CBN dance competition na “Dance Kids” kung saan sila ang itinanghal na kampeon.
Kilala rin si AC sa kanyang dance covers na lubos na hinangaan at pinuri ng ilang international stars katulad nina Cardi B, Selena Gomez, BTS, at marami pang iba.
Noong 2021 naman nang mapasama siya sa American TV series na “Riverdale” kasama sina Lili Reinhart at Cole Sprouse.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.