Ogie Diaz nag-sorry kay Vhong, 'nang-agaw' ng moment?

Ogie Diaz nag-sorry kay Vhong, nang-agaw ng moment?

Therese Arceo - May 03, 2024 - 04:16 PM

Ogie Diaz nag-sorry kay Vhong, nang-agaw ng moment?

PABIRONG nag-sorry ang komedyante at showbiz insider na si Ogie Diaz sa “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro.

Ito ay may kaugnayan sa lumabas na balita na pagsasampa ng kasong cyber libel ng Kapuso actress na si Bea Alonzo laban sa kanya, kay Cristy Fermin, at sa kanilang mga co-hosts sa kani-kanilang showbiz vlogs na “Showbiz Update”, “Cristy Ferminute”, at “Showbiz Now Na”.

Matatandaang nitong Huwebes, May 2, nagulat ang lahat nang biglang dumulog si Bea sa Quezon City Prosecutor’s Office kasama ang kanyang abogado at manager para maghain ng tatlong magkakhiwalay na kaso laban kina Ogie.

Ngunit bago pa mabalita ang pagsasampa ng kaso laban sa kanila ay lumabas na ang desisyon ng Taguig Regional Trial Court ukol sa kasong inihain ni Vhong laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee, at sa dalawa pa nilang kasamahan na hinatulan ng reclusion perpetua o hanggang 40 years na pagkakakulong.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo nagsampa ng kaso laban kina Cristy Fermin at Ogie Diaz

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa “Share a thought” feature niya sa Messenger, mababasang humihingi ng tawad si Ogie kay Vhong dahil tila naagaw nito ang kanyang “moment”.

“Sorry, Vhong! Moment mo, naagaw pa namin,” sey ng talent manager.

Samantala, nagbigay pahayag naman si Ogie sa kasalukuyang kinakaharap na chika.

Ito ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram stories kung saan sinabi niyang maraming reporters ang tumatawag at nagri-reach put sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pasensya na sa lahat ng reporters na tumatawag para maging balanse lang ang kanilang report.

Naiintindihan ko kayo kung nginangarag kayo ng news desk o ng editors nyo. Makakarating din naman sa amin yan para sagutin sa takdang panahon,” lahad ni Ogie.

Bagamat walang sinabing pangalan ay positibo pa rin ang hangad niya para sa dalawa.
“Pero eto ha? Ayoko nang magpakaplastik. Tulad ng lagi naming hinihirit sa Ogie Diaz Showbiz Update, sila pa rin ang gusto naming magkatuluyan sa ending,” sey pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending