Gilas Pilipinas sisimulan ang kampanya sa SEA Games | Bandera

Gilas Pilipinas sisimulan ang kampanya sa SEA Games

Angelito Oredo - August 20, 2017 - 12:09 AM

Mga Laro Ngayon
(MABA Stadium)
7:15 p.m. Philippines vs Singapore (women’s)
9:30 p.m. Philippines vs Thailand (men’s)

KUALA LUMPUR – Sisimulan ng Pilipinas ang kampanya nito para sa ika-17th gintong medalya sa pagsagupa nito sa Thailand sa men’s basketball competition ng 29th Southeast Asian Games Linggo dito sa MABA Stadium.

Matapos na mamayani sa Southeast Asian Basketball Association (Seaba) Men’s Championship sa Maynila noong Mayo, ay mataas ang moral ng Gilas Pilipinas bunga ng malaking pagbabago sa mga kalahok.

Isa na sa maagang pagsubok ang Thailand, na makakasagupa nito ganap na alas-9:30 ng gabi matapos ang alas-7:15 ng gabi na salpukan sa pagitan ng Pilipinas at Singapore sa women’s division.

Nagpamalas ng matinding pagbabago matapos iuwi ang tansong medalya sa SEABA ang Thailand na halos nagawa na itala ang upset kontra sa mga Pilipino sa semifinals ng nakaraang SEA Games sa Singapore, 75-80.

Tila nanibago rin ang mga Pilipino bago nito itinakas ang panalo kontra Indonesia, 72-64, sa gold-medal match.

Hindi naman ito nakalampas lahat kay Gilas Pilipinas head coach Jong Uichico.

“That’s why we have to be consistent,” sabi ni Uichico matapos dumating dito sa kabisera ng Malaysia Biyernes. “The field had greatly improved. Everybody’s now playing well. We now have to work hard and prove that we deserve the crown.”

Hindi makakasama ng Gilas ang mga naturalized players na sina Marcus Douthit at Andray Blatche kundi ang Filipino-German na si Christian Standhardinger na pupuno sa responsibilidad na iniwan ng dalawa
upang dagdagan ang lakas at puwersa sa mahina na frontline ng Pilipinas na tanging aasa kina 6-foot-7 Troy Rosario at 6-foot-5 Kobe Paras bilang mga inside operators.

Kahit nagtamo ng stiff neck sa 2017 FIBA Cup sa Beirut, Lebanon lumipad agad si Standhardinger dito mula sa Manila Sabado upang makapaglaro sa mga Thais.

Makakasama rin ng koponan ang two-time SEA Games gold medalist na si Mac Belo na idinagdag bilang last-minute replacement sa injured na si Carl Bryan Cruz habang inaasahan na pupunta rin si Gilas coach Chot Reyes upang tulungan si Uichico na makumpleto ang kampanya ng mga Nationals sa gintong medalya.

“With Christian on board, at least we’ll have some size,” sabi ni Uichico hinggil sa mga posibleng problema nito lalo na sa importanteng naturalized center. “Christian would be able to help Troy and Kobe. At least medyo hindi tayo maagrabyado sa rebounding.”

Sasabak sa kampanya ng Pilipinas sina Ray Parks, Mike Tolomia, Baser Amer, Kiefer Ravena, Von Pessumal, Almond Vosotros, Kevin Ferrer at Raymar Jose.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Muli naman sinabi ni Uichico na ang torneo ay hindi magiging cakewalk laluna na sasabak ito sa Kuala Lumpur na siyang lugar kung saan naitala ang nakakadismayang tanging kabiguan ng Pilipinas sa SEA Games noong 1989.

“There’s always pressure in the SEA Games,” sabi nito. “We just have to work hard to be able to handle it.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending