TV5, A2Z nagsanib-pwersa para sa 48th season ng PBA | Bandera

TV5, A2Z nagsanib-pwersa para sa 48th season ng PBA

Ervin Santiago - October 18, 2023 - 09:37 AM
TV5, A2Z nagsanib-pwersa para sa 48th season ng PBA

KASUNOD ng matagumpay na pagtatanghal ng FIBA Basketball World Cup, ang pag-reclaim ng SEA Games Gold, at ang makasaysayang Asian Games Gold Medal na napanalunan ng Gilas Pilipinas, tunay ngang ang 2023 ang taon na hindi malilimutan ng Filipino fans.

Muli namang nakatuon ang atensyon ng sports fans ngayon sa local scene sa pagsisimula ng pinakaaabangang PBA games.

Ang Philippine Basketball Association (PBA), kasama ang TV5, ay magsisimula ng bagong kabanata para sa ika-48 na season PBA sa announcement ng bagong tahanan ng liga sa A2Z.

Isa itong significant milestone sa joint commitment ng PBA at TV5 na ihatid ang PBA Games sa tahanan ng mas maraming Pilipino.

“TV5 continues to be a strong supporter of the PBA and Philippine Basketball as a whole,” ani ni TV5 President at CEO Guido R. Zaballero.

“The partnership with A2Z ensures that Filipinos nationwide have widespread access to LIVE PBA Games on free-to-air and opens up new audiences to experience the country’s top basketball league,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Bwelta ni Angel kay Roque: Bakit niya sinermunan ang mga medical workers?

“A2Z is proud to be the new home of the PBA,” saad ng Zoe Broadcasting Vice President at General Manager na si Rene Gonzalez.

“We’re delighted to partner with TV5 in this exciting venture so that we may provide our audiences with more programming options. Welcoming the PBA, an established sports institution, adds a new dimension to our current offerings,” aniya pa.

Sa darating na Nobyembre 5, mapapanood nang live ang PBA sa A2Z tuwing Miyerkules, Biyernes at Linggo, 4 p.m. at 8 p.m. kapag weekdays habang 3 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing weekend. Under discussion naman ang iba pang PBA properties sa A2Z gaya ng PBA D-League at PBA 3×3.

Baka Bet Mo: May mga bagay na tinitiis na lang natin at ang tanging kinakapitan natin ay ang Panginoon – Vice

“Our partnership with A2Z allows the PBA a fixed primetime slot across all game days, for both games,” dagdag ni Zaballero. “The PBA is A2Z’s key primetime offering but the intent is to build strong lead-in programming and further grow the league’s viewership on free-to-air.”

Maaaring ma-access ang PBA Games sa iba’t ibang platforms ng Cignal TV, ang opisyal na Pay TV Broadcast Partner ng PBA.

Ang Pilipinas Live naman, ang innovative streaming platform ng Cignal TV, ay maghahatid ng PBA games ng live at on demand, kasama ang mga multiple viewing options na exclusive sa app.

Hatid din nito ang PBA 3×3, PBA D-League, at maging ang live PBA Esports events, kasama ang exclusive original programs para sa local and global fans ng PBA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Patuloy naman ang paghahatid ng lahat ng PBA events ng live at in high-definition sa PBA Rush, available sa over 4 million subscribers ng Cignal TV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending