Classic PC game ‘Granado Espada’ nag-level up, libreng malalaro sa mobile

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez
GAME on na mga ka-BANDERA! Dahil magbabalik-aksyon na ang classic at legendary computer game na “Granado Espada.”
Ito ay pwede nang laruin gamit ang cellphone makalipas ang mahigit isang dekada at ito ay tinawag na “Granado Espada M.”
Kamakailan lang, nagkaroon ito ng launching event sa pangunguna ng PlayPark at maswerteng naimbitahan ang BANDERA dahil grabe ang hype!
Present ang ilang cosplayers na rumampa at nagbigay kulay sa event.
Nandoon din siyempre ang gaming community, lalo na ‘yung mga pioneers ng laro, pati na rin ang ilang live streamers at key opinion leaders (KOLs) na nagpakitang-gilas sa mini-games at activities.
Baka Bet Mo: 8-taong bata bumili ng higit P100K mobile games gamit ang debit card ng magulang

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez
Ayon kay Apol Dionglay, Managing Director ng PlayPark Inc., hindi naging madali ang pagkuha ng laro mula sa developer nitong Hanbitsoft sa South Korea.
Ilang beses daw silang nagpunta roon at dumaan sa matinding diskusyon bago tuluyang maibalik ang “Granado Espada” para sa Pinoy gamers.
“It took us some time to get this game…It was not easy until finally we’re able to make it. So ang request namin sa inyo is to make this game big again, [especially] now it’s on mobile,” sey ni Mr. Apol.
Nang tanungin naman namin ang Product Manager na si Adrian Soriaga kung magkakaroon din ba ito ng esports tournament.
Ang sagot niya, “Actually, meron tayo soon…so along the way naman, we will be starting off with the PlayPark All Stars, we have Granado Espada included in PlayPark All Stars, for those who will be joining, please prepare nalang.”
Hirit naman ng Assistant Product Manager na si Noe Hernandez, ang pinaka-main goal ng eSports journey ng bagong mobile game ay ang Granado Espada SEA Championships na magtatampok ng mga manlalaro mula Malaysia, Singapore, at Pilipinas!
“So ‘yun ang main goal namin kaya kitakits tayo doon!” saad niya.
Nabanggit din ni Adrian na maraming improvements sa mobile version ng Granado Espada.
“You will see na iba ‘yung graphics niya… of course, may mga changes din with the hero lineups, and iba na ‘yung mga quest niya, iba na rin ‘yung pagkakasunod-sunod ng mga content na lalabas,” paliwanag niya.
In short, ibang level na ang “Granado Espada M” dahil may bago itong visuals, bagong quests, at bagong adventure na dapat abangan!
Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang Granado Espada ay unang lumabas sa Korea noong 2006, at sa Pilipinas noong 2008.
Isa ito sa mga pinakaunang laro na nagpakilala ng multi-character control system kung saan maaari kang maglaro ng tatlong heroes nang sabay-sabay –ibig sabihin, full-on multitasking at strategy game ito!
Ang game ay may tatlong regions na maaaring tuklasin, may tatlong dungeons na pwedeng pasukin, at syempre action-packed gameplay na siguradong magpapabalik ng nostalgia sa mga dating naglaro nito sa PC!
Para sa mga gustong ma-experience ang bagong laro, libre lang itong mada-download sa App Store at Play Store.
Available ang pre-download nito, pero ang official launching ay sa darating na March 4 na!
Para sa latest updates, bisitahin ang Facebook Page ng Granado Espada M by PlayPark at tingnan ang kanilang official website para sa mga exclusive content at events.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.