Gilas Pilipinas naghari sa basketball, wagi ng ‘gold medal’ sa 19th Asian Games
MAKASAYSAYAN ang naging panalo ng Pilipinas sa men’s basketball na naganap sa 19th Asian Games sa China.
Paano ba naman kasi, makalipas ang mahigit anim na dekada ay nakakuha tayo ng gintong medalya!
‘Yan ay dahil na rin sa galing ng tropang Gilas Pilipinas na lumaban para sa ating bansa.
Nanalo ang Gilas matapos nilang mapatumba sa finals ang Jordan sa score na 70-60.
Baka Bet Mo: Guro mula Cavite gumawa ng kasaysayan sa Harvard University, first-ever instructor sa bagong ‘Tagalog course’
Naganap ‘yan nitong Biyernes, October 6, sa Hangzhou Olympic Sports Centre Stadium.
Naging maganda ang laban ng dalawang koponan, pero siyempre hindi nagpasindak ang kinatawan ng ating bansa.
Ang nanguna sa national team ay si Justin Brownlee na may 20 points at ten rebounds.
Si Chris Newsome naman ay nag-contribute ng 13 points, habang si Scottie Thompson ay nakapag-ambag ng 11 points at five rebounds para sa Pilipinas.
View this post on Instagram
“Our guys were just really disciplined tonight,” sey ng Gilas Pilipinas head coach na si Tim Cone sa mga reporters.
Aniya pa, “It was just a good game by us tonight and they (Jordan) had an off shooting night.”
Kung maaalala, huling naiuwi ng Philippine team ang gold medal sa men’s basketball sa Asian Games noon pang 1962 matapos talunin ang China.
Dahil sa panalo ng Gilas, apat na ang gintong medalya ng Pilipinas sa nasabing palaro.
Unang nakakuha ng gold ang pole vaulter na si EJ Obiena at ang jiu jitsu stars na sina Meggie Ochoa at Annie Ramirez.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.