NBA star, Gilas Pilipinas player Jordan Clarkson bumalik sa Tenement Court; namigay ng sapatos, pirmadong bola ng basketball Bandera

NBA star, Gilas Pilipinas player Jordan Clarkson bumalik sa Tenement Court; namigay ng sapatos, pirmadong bola ng basketball

Jan Escosio |August 28,2022
share this

NBA star, Gilas Pilipinas player Jordan Clarkson bumalik sa Tenement Court; namigay ng sapatos, pirmadong bola ng basketball

Jan Escosio - August 28, 2022 - 02:37 PM

Lani Cayetano at Jordan Clarkson

MAINIT na sinalubong ni Mayor Lani Cayetano at ng buong Tenement community ang NBA star at Gilas Pilipinas Player na si Jordan Clarkson sa muli niyang pagbisita ngayong araw sa Tenement Court, Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Isa ang Tenement Court sa mga binisita ni Clarkson upang magsagawa ng outreach program sa mga kabataang tulad niya na malaki ang pagmamahal sa paglalaro ng basketball.

Binigyan niya ang mga kabataan ng Tenement Basketball Team ng t-shirts, basketball shoes at mga pirmadong bola ng basketball. Nagkaroon din ng basketball clinic kasama ang iba pang manlalaro ng Gilas Pilipinas.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Lani sa walang humpay na pagmamahal at pagbibigay ng inspirasyon ni Clarkson sa ating mga kabataang manlalaro lalo na ang mga taga-Tenement na ilang beses na niyang binibisita.

Hangad ng Lungsod ng Taguig ang pagpupunyagi ng mga atletang Pilipino tulad ni Clarkson.

“We wish Clarkson all the very best and please know that Taguig City particularly Tenement will be praying and cheering for your continued success,” ani Mayor Lani.

Kasama ang Lungsod ng Taguig sa pagsuporta at pananalangin ng tagumpay para kay Clarkson at sa buong Gilas Pilipinas sa kanilang laro sa FIBA World Cup 2022.

Pangatlong pagbisita na ito ni Clarkson sa nasabing basketball court na sinisiguro niyang mapuntahan tuwing siya ay uuwi sa bansa.

Ang Tenement Court ay palagian ring binibisita ng mga sikat na basketball stars kabilang na si Lebron James na nagtungo dito noong 2015.

Kabilang ang larong basketball, tuloy-tuloy pa rin ang sagupaan ng mga kabataang Taguigeño sa ating Taguig Games 2022. Suportahan ang inyong mga pambato at magkita-kita tayo sa nalalapit na finals.

Pacquiao binisita nina Jordan Clarkson at Apl.de.ap habang nagte-training sa Wild Card gym

KC may bonggang pa-shoutout para kay Apl.de.ap: Thank you for always inspiring me

Francine Diaz nabigyan ng hustisya ang pagiging babaeng maangas at siga

Francine Diaz pangarap magpaka-Angelina Jolie sa action movie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending