Impersonator ni Kobe Bryant kumita ng P674k sa loob ng 10 araw

Impersonator ni Kobe Bryant kumita ng P674k sa loob lang ng 10 araw

Ervin Santiago - April 03, 2024 - 07:30 AM

Impersonator ni Kobe Bryant kumita ng P674k sa loob lang ng 10 araw

Kobe Bryant at Ma Jinghui

SA loob lamang ng 10 araw ay kumita ng mahigit P670,000 ang impersonator ng yumaong basketball legend na si Kobe Bryant.

Ang tinutukoy namin ay ang 21-anyos na si Ma Jinghui, isang sikat na social media influencer mula sa Yunnan, China na gumagaya nga sa National Basketball Association (NBA) superstar.

Base sa report ng South China Morning Post noong March 30, 2024, biglang sumikat si Ma sa online platform na Douyin na katumbas ng TikTok sa China nang simulan niyang mag-impersonate kay Kobe Bryant.

Baka Bet Mo: Kobe Paras, Erika Poturnak in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram; hiwalay na agad?

Imagine, mula lamang sa ilang libong followers, umabot na ngayon sa more than 600,000 ang kanyang followers mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kobe Bryant (@kobebryant)


“Chinese version of Kobe Bryant” ang tawag ni Ma sa kanyang sarili kapag meron siyang live session. Game streamer talaga si Ma at mahilig din siya sa basketball at video games.

Noong February, 2024, may nag-suggest sa kanya na gayahin si Kobe sa kanyang mga love stream session dahil malaki nga raw ang pagkakahawig nila.

Sinunod naman ni Ma ang sinabi ng netizen — nagpakalbo rin siya tulad ni Kobe at nag-apply ng make-up para mas umitim pa siya hanggang sa makopya na nga niyang ang mukha ng basketball hero.

Baka Bet Mo: Kobe Paras umaming inatake ng depresyon; Andre may bwelta sa haters

Sa isa niyang Douyin video, makikita ang OOTD ni Ma na isang jersey na may tatak ng iconic Number 24, ang numero sa Lakers’ jersey ni Kobe. Meron din siyang hawak na bola ng basketball habang nakaupo sa harap ng pader na may white paint.

Sa nasabing video, nag-greet siya in English, “Man, I’m back.”

At base nga sa ulat, kumita si Ma ng US$12,000 o P674,000 sa loob ng 10 araw sa kanyang mga live stream.

Sumakabilang-buhay si Kobe sa edad na 41, kasama ang anak na si Gianna, matapos mag-crash ang kanilang helicopter malapit sa California noong January, 2020.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kobe Bryant (@kobebryant)


Samantala, wishing ang hoping si Ma na mas lumaki pa ang kita niya sa pag-i-impersonate kay Kobe para makaipon siya at makabili ng bagong kotse para sa kanyang tatay.

Sabi ni Ma sa naturang panayam, “My goal is one million followers, and I’ll be live-streaming basketball games in the future.”

Pero siyempre, may mga bashers din siya na nagsasabing hindi naman niya kamukha si Kobe at ginagamit pa niya ang patay para kumita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey ng hater ni Ma, “He is just cashing in on people’s love for Kobe.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending