Rendon nag-sorry kay Chot Reyes matapos basagin bilang coach ng Gilas: ‘Dahil sa iyong sakripisyo at katapangan nanalo ang Pilipinas!’
MULING pinatunayan ng motivational speaker na si Rendon Labador na totoong nagbago na siya tulad ng ipinangako niya sa madlang pipol.
Ito’y matapos siyang humingi ng paumanhin kay former Gilas coach Chot Reyes sa pamamagitan ng kanyang Facebook account matapos niya itong basagin sa isa niyang social media post.
Tinira-tira kasi ni Rendon si Chot Reyes dahil sa tatlong beses na pagkatalo ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup kasunod ng panawagan na mag-resign na siya bilang coach.
“Ito ay pormal na paghingi ko ng paumanhin kay Coach Chot Reyes na nasita natin at nakapagsabi tayo ng mga salitang nakaka #SampalNgKatotohanan.
“Aminado akong masakit talaga ako magsalita kaya ako na mismo ang hihingi ng paumanhin sa ‘yo at sa iyong pamilya,” ang nakasaad sa caption ng kanyang FB post.
Dugtong pa ni Rendon, “Humanga ako sa ginawa mong pagbibitiw sa pwesto at matapang mo pa ring hinarap ang mga pambabatikos na ibinabato sa ‘yo. Saludo ako sa ‘yo Coach Chot Reyes!!!”
View this post on Instagram
Pinuri pa niya ang basketball coach dahil napakalaki ng ginawa niyang sakripisyo para sa kampeonato ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup.
“Dahil sa iyong sakripisyo at katapangan nanalo tayong lahat, nanalo ang Pilipino, nanalo ang Pilipinas!!! #LabLabLabador,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Bea namigay ng pera sa mga kasambahay, delivery rider para sa Labor Day
Kung matatandaan, basag na basag si Coach Chot sa mga fans habang isinasagawa ang FIBA World Cup dahil sa sunud-sunod na pagkatalo ng Gilas.
Dahil nga rito, pinag-initan siya ni Rendon, “Ang dami na ngang problema ng Pilipinas, dumagdag ka pa! #ChokeResign.
“Siguro naman sapat na ang kahihiyang ibinigay mo sa Pilipinas para ikaw ay kusang mag-resign. Huwag po tayong makipagpatigasan ng mukha. Okey na po yan sir. Okey na yung sunud-sunod na talo, okey na siguro yun noh.
“Huwag na po tayong makipagpakiramdaman, seryoso na po ang taumbayan. Umalis na po kayo diyan sir. Okey na po para magbakasyon kayo, para manalo naman tayo sir,” pambabasag pa ni Rendon kay Chot.
Hirit pa niya, “MAAWA KA SA PILIPINAS. Kung may PUSO ka talaga para sa Pilipinas, eto na ang pag kakataon mong ipakita ito. RESIGN!!!!”
“Coach Choke Reyes & SBP Board of Directors, Maraming salamat po sa kahihiyang binigay ninyo sa Pilipinas!”
“Ano ba ang inaasahan ng buong Pilipinas kapag tanga yung coach? Nakakapagod ng magalit,” sey pa ni Rendon.
At kasunod nga nito, nag-resign si Chot at pinalitan ni Barangay Ginebra San Miguel coach na si Tim Cone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.