Rendon Labador aprub kay Gerald Anderson: Pwede ka nang maging motivational speaker | Bandera

Rendon Labador aprub kay Gerald Anderson: Pwede ka nang maging motivational speaker

Therese Arceo |October 05,2023
facebook
share this

Rendon Labador aprub kay Gerald Anderson: Pwede ka nang maging motivational speaker

Therese Arceo - October 05, 2023 - 08:51 PM

Rendon Labador aprub kay Gerald Anderson: Pwede ka nang maging motivational speaker
NAPABILIB ang social media personality na si Rendon Labador ang naging sagot ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson nang tanungin ukol sa pagpapakasal.

Viral kasi ngayon ang naging sagot ng aktor nang ma-interview sa nagdaang ABS-CBN Ball 2023 ukol sa kung kailan sila lalagay sa tahimik at magse-settle down ng longtime girlfriend na si Julia Barretto.

Sa sobrang tuwa ni Rendon sa sagot ng Kapamilya actor ay ini-repost nito ang isang artcard ng naging sagot ng dating “Pinoy Big Brother” housemate sa kanyang Instagram story.

Sey kasi Gerald, “Mas marami pang problema sa mundo kesa ano [pagpapakasal namin] pero darating tayo… basta…”

Baka Bet Mo: Panawagan ni Rendon Labador kay Toni Fowler: ‘Wala na sanang kabastusan at huwag mo nang ipakita yung pwet at d*d* mo sa public’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Reaksyon naman ni Rendon sa pahayag ng Kapamilya actor, “Gerald, pwede ka na maging motivational speaker sa sagot mo, approved!!!”

Matatandaang matagal nang inuusisa ng publiko ang mag-dyowa kung kailan nito balak mag-settle down o kung napag-uusapan na ba nila ito. Marahil ay napagod na rin ang Kapamilya star sa kakukulit sa kanila ng press kaya ito na ang naging sagot nito.

Chika pa ni Rendon, “Ipinakikilala ko sa taumbayan ang pinaka bagong Motivational Speaker natin…Gerald Anderson.”

Related Chika:
Rendon Labador boldyak na naman kay Cristy Fermin: ‘Unang-una walang naghahanap sa kanya, maraming maligaya na nawala siya’

Rendon Labador lumaki sa kalinga ng ex-convict: Marami rin akong pinagdaanan sa buhay’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending