Maxene Magalona game bang makipagkaibigan sa ex?
IBINAHAGI ng aktres na si Maxene Magalona ang kanyang pananaw tungkol sa pakikipagkaibigan sa dating kasintahan.
Sa kanyang naging guesting sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, May 2, natanong ang anak ni Francis Magalona kung keri ba nitong makipag-friends sa mga dating karelasyon.
“Can you be friends with your ex?” tanong ni Boy kay Maxene.
“Of course. Especially if the connection was really good and special.
Baka Bet Mo: Maxene Magalona ipinasilip ang Siargao trip kasama ang rumored BF
View this post on Instagram
“But out of respect for your current partner, I wouldn’t want to be friends with my ex, you know,” pagbabahagi ni Maxene.
Nirerespeto naman ni Boy ang naging sagot ng aktres at inaming mahirap rin na hindi maaaring maging kaibigan ang dating minahal.
Sey ni Boy kay Maxene, “I respect that. At ang hirap din na hindi kayo pwedeng maging makaibigan or at least—you know—acquaintances again is because sa tagal ninyo—whatever the timeframe involved was—pareho kayo ng iniikutan, e. You have the same friends, you saw the same people.”
“But for me when it comes to exes, I can be civil and I will say hi. And I will be cordial and respectful because that is human being pa rin, e.”
Sey naman ni Maxene, kahit hindi naman kayo nagkatuluyan ay mayroon pa ring respeto ang natitira para sa dating minahal.
“Even if hindi kayo nag-end on good terms or didn’t workout. You still have to respect that person is just like you, you know. Pareho lang kayo. Na hindi kayo perfect.”
Isa rin sa pinakamahalagang lesson na natutunan ni Maxene pagdating sa aspeto ng pag-ibig ay ang hindi niya mawala ang sarili sa proseso ng pagmamahal sa ibang tao.
“Because at the end of the day, you are only able to love others as deeply as you love yourself,” dagdag pa ni Maxene.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.