Nagsagawa ang mga kandidato sa pagkapangulo, bise-presidente at senador ng kani-kanilang mga proclamation rallies sa iba’t ibang lugar sa pagsimula kahapon ng campaign period para sa national election. Walang duda na si VP Leni Robredo ang nangibabaw sa napaka-importanteng unang araw ng kampanya, ang proclamation rally. Base sa ating nakita, napanood, napakinggan at nabasa, ito […]
Sang-ayon tayo sa pananaw ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, na magre-retiro ngayong araw (February 2), na disqualified ang dating senador Ferdinand Marcos Jr. na tumakbo sa pagkapangulo sa darating na national election sa May 9, 2022. Maganda ang pagkasulat sa “separate opinion” ng palabang commissioner. Direkta, klaro at may legal na batayan. Pero ang “separate […]
Hindi maitatanggi na sa apat na presidential candidates na nakapanayam ni Jessica Soho noong Sabado angat si VP Leni Robredo sa iba dahil naipakita at naipahayag nito ng klaro at detalyado, sa limitadong oras, ang kanyang mga pananaw at plano partikular sa usaping West Philippine Sea, job creation, managing pandemic at economic recovery. Kasama tayo […]
Ibinasura ng COMELEC (2nd Division-Commissioners Inting, Kho at Bulay) nitong Lunes ang petition na inihain ng civic group (Fr. Christian Buenafe, et al.) laban kay dating senador Ferdinand Marcos Jr. para kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) nito sa pagkapangulo. Para sa COMELEC, walang false material representation na ginawa ang dating senador ng sinabi nito […]
Una, Petition (to reopen the filing of Certificate of Candidacy) sa COMELEC, tapos, nagkaroon ng proposal na amendahan ang Constitution, ngayon naman hacking ng server ng COMELEC. Ang mga ganitong usapin ang bumubuhay sa isyung no election at sa kakambal nitong acting president. Huwag naman sanang mangyari pero ang sakaling pagkakaroon ng isang acting president […]
Tama ang ating titulo, walang aaktong pangulo o gaganap na acting president kung sakaling hindi matutuloy, sa anumang dahilan, ang national election sa May 9, 2022. Naisulat natin noong nakaraang linggo ang posibilidad, bagamat malayong mangyari, na hindi magkaroon nang national election sa May 9, 2022 dahil sa lumalalang pandemya dala ng bagong Covid variant […]
Pinalad pa rin tayo na ngayong panahon ng kapaskuhan ay mababa ang bilang ng may confirmed COVID-19. Kaya naman nagsisiksikan ang mga tao sa Divisoria, palengke at malls at namili ng kanilang hinanda noong Pasko at ihahanda sa media noche upang salubungin ang Bagong Taon. Maski may alinlangan, kasama tayo sa maraming taong dumagsa sa […]
Wala tayong magamit na tamang salita upang sabihin at ihayag ang sinapit ng ating mga kaawa-awang kababayan sa Visayas at ilang parte ng Mindanao dahil sa Bagyong Odette. Mga sirang bahay, gusali at pananim, mga wasak na daan, tulay at iba pang imprastraktura, mga bagsak na puno at poste, walang kuryente, mahina o walang signal […]
Hindi maikakaila na dumadami ang supporters ni VP Leni Robredo mula nang ito ay maghain ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo. Hindi maitatanggi na ang supporters ng VP ay sinsero at tunay, na ang hangarin ay magkaroon ng isang maganda, respetado at matinong gobyerno. Matatandaan na nagkaroon ng Pink Revolution sa social media ng araw mismo […]
Hindi na tayo nagulat nang sabihin ni Mayor Isko Moreno na umaasa ito na siya ang tutulungan at susuportahan ni Pangulong Duterte, matapos sabihin ni Senator Bong Go na kanyang binabawi ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo noong nakaraang linggo. Atin na rin inaasahan ang alok nito kay Duterte na mapabilang ang pangulo sa kanyang senatorial […]
Matapos bawiin ni Senator Bong Go kahapon ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo, ang naging katanungan ngayon ay sino ang susuportahan ni Pangulong Duterte sa May 2022 presidential election. Nagdiwang ang supporters ni former senator Ferdinand Marcos Jr. sa pag-withdraw ni Senator Go sa paniniwalang ito ay makakatulong sa kandidatura ng anak ng dating diktador. Sa […]