May eleksyon ba sa May 9, 2022?  | Bandera

May eleksyon ba sa May 9, 2022? 

Atty. Rudolf Philip B. Jurado |
Ibang Pananaw -
December 29, 2021 - 11:23 AM

mall christmas

Dennis Maliwanag/INQUIRER.net

Pinalad pa rin tayo na ngayong panahon ng kapaskuhan ay mababa ang bilang ng may confirmed COVID-19. Kaya naman nagsisiksikan ang mga tao sa Divisoria, palengke at malls at namili ng kanilang hinanda noong Pasko at ihahanda sa media noche upang salubungin ang Bagong Taon. Maski may alinlangan, kasama tayo sa maraming taong dumagsa sa malls upang mamili ng pamasko at maramdaman ang Christmas vibes na nawala sa atin noong nakaraang taon dahil sa Christmas quarantine na ipinairal.

Magandang bagay ito sa ating ekonomiya. Mula ng nakaraang buwan hanggang ngayon nakabawi ang mga negosyante matapos alisin ang quarantine at payagang buksan ang mga business establishment. At parang pinagpala, nataon pa sa kapaskuhan kung saan kalakasan ng negosyo. Malaking bagay ito sa kanila matapos sumadsad dahil sa sunod-sunod at matagalang quarantine na ipinairal noong 2020 at sa taong ito.

Pero alam natin lahat na ito ay maaaring pansamantala lamang. Tulad sa ibang bansa, lalo na sa USA at Europe kung saan nagaganap muli ang COVID-19 outbreak o surge dala ng bagong COVID variant, tayo ay maaaring pasukin o napasok na ng Omicron. Sabi nga ng iba, its a matter of time para magkaroon ng panibagong COVID-19 surge sa atin.

Alam na ng pamahalaan ang tungkol sa Omicron at umaasa tayo na ginagawa na ng mga namumuno ang lahat upang mapigilan o maibsan man lamang ang tuluyang paglaganap nito sa ating  bansa. Nasa kamay na nila kung papaano nito po-proteksyunan ang taong bayan laban sa (darating na) Omicron. Dalangin lang natin na huwag magamit ang okasyong ito upang pagsamantalahan ang kaban o pondo ng bayan. Huwag na sanang maulit muli ang kasuka-sukang face shield, face mask scandal kung saan nawala at nasayang ang bilyun-bilyong salapi ng pamahalaan sa panahon ng pandemya.

Bukod sa physical, emotional, health, economic at iba pang epekto sa mga tao na dadalhin ng Omicron, maaring magdulot din ito ng ilang pagbabago sa politika ng bansa lalupa sa nakatakdang national election sa May 2022. Kung sakali ngang magkaroon ng Covid surge dahil sa Omicron, ito ay tinataya ng ilan na magaganap sa February o March 2022, tama sa panahon at kasagsagan ng election campaign period.

Kung mangyayari ang muling Covid surge sa ganitong panahon tiyak na magkakaroon muli ng quarantine, ang ibig sabihin nito ay hindi makakapangampanya ng personal ang mga kandidato. Hindi sila makakaikot at makakapunta sa iba’t ibang lugar upang ipabatid ang kanilang programa at plataporma na karamihan sa kanila ay wala naman talagang programa at plataporma. Tumatakbo sila dala at puhunan lang ang pangalan ng kanilang pamilya. Wala rin mala Plaza Miranda o political rally sa intablado kung saan dapat, at kagaya noong araw, ay mag didiskurso (speech) ang mga kandidato ng kanilang qualifications, mga nagawa at gagawin ngunit ngayon ay naging kantahan at sayawan na lang ang mga ito.

Tiyak na babaguhin ni Omicron ang tradisyonal na election campaign sa darating na election. Tiwala naman tayo na nakita na ito ng ating COMELEC at ito ay pinaghahandaan na upang makapag-adjust sa sitwasyon. Ang social media ang magiging pangunahing daan para makapangumpanya ang mga kandidato.

Pero papaano kung may Covid surge pa rin sa araw ng election, maaari bang hindi matuloy ang national election? Tuloy ang national election sa May 9, 2022, may Covid surge man o wala dahil ito ang araw ng election na itinakda ng ating constitution. Kung sakali naman na walang maganap na election sa May 9, 2022, mananatili bang pangulo si Duterte maski ang constitutional term of office nito ay hanggang June 30, 2022 lamang? Klaro ang ating constitution, ang termino ni Duterte ay hanggang June 30, 2022 lamang. Si Duterte, kasama na rin si VP Leni Robredo (at ang ating 12 senador at lahat ng kongresista) ay bababa  sa kanilang katungkulan sa tanghali (12 noon) ng June 30, 2022. Walang “hold-over” o extension ng position sa constitution.

Wala namanng aaktong pangulo sa June 30, 2022 kung ganito ang mangyayari. Si Senator Tito Sotto, bilang Senate president at sana ay nasa pangatlong linya ng presidential succession ay hindi maaaring humalili bilang acting president dahil matatapos din ang termino nito bilang senador sa tanghali ng June 30, 2022. Ganito rin ang sitwasyon ni House Speaker Lord Allan Velasco na nasa pang-apat ng line of presidential succession na magtatapos din ang termino bilang kongresista sa tanghali ng June 30, 2022.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending