John Roson Archives | Page 3 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 3 of 149 | Bandera

3 drug suspect patay sa buy-bust

TATLONG drug suspect ang napatay nang makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Calaca, Batangas, kagabi. Napatay ang pakay ng buy-bust na si Paolo Jhonnel Camantigue at ang dalawa niyang kasabwat, ayon sa ulat ng Batangas provincial police. Isinagawa ng iba-ibang unit ng pulisya ang operasyon sa Sitio Matala, Brgy. Cahil, dakong […]

Presinto sa Sulu niratrat: 2 pulis patay, 2 pa sugatan

DALAWANG pulis ang nasawi at dalawa pa ang nasugatan sa pag-atake ng mga hinihinalang kasapi ng Abu Sayyaf sa istasyon ng pulisya sa Parang, Sulu, kagabi. Itinakbo pa sa pagamutan sina Pat. Arjun Putalan at Cpl. Mudar Salamat, kapwa miyembro ng Parang Police, pero di na umabot nang buhay, ayon sa ulat ng pulisya. Patuloy […]

6 Indian student arestado sa 1 kilong marijuana

ANIM na Indian national ang naaresto nang makuhaan ng mahigit 1 kilo ng marijuana sa buy-bust operation sa tinutuluyan nilang condominium sa Pasay City kahapon. Naaresto sina Sumanth Raju alyas “Kamal,” 22; Diju Moses Rengaswamy, 25; Mohammad Yusuf, 22; Angir Kula Pavan, 23; Nagendran Gugan, 23; at Sai Santha Kumar Dhamodharan, 22, pawang mga estudyante, […]

Lalaki dakip sa P2.54B shabu sa Cavite

ARESTADO ang isang lalaki nang makuhaan ng mahigit P2.54 bilyon halaga ng hinihinalang shabu sa General Trias City, Cavite, kagabi. Naaresto si Muad Romorus Abedin Mangotara sa buy-bust operation sa tinitirhan niyang subdivision alas-8:30, ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa. Isinagawa ng PNP Drug Enforcement Group (DEG) at Cavite provincial police ang operasyon sa […]

2 Chinese kidnaper patay, police official sugatan sa engkuwentro

PATAY ang dalawang hinihinalang Chinese, na sangkot umano sa pagdukot sa kanilang mga kababayan, nang makipagbarilan sa mga pulis sa Angeles City, Pampanga, kaninang umaga. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga napatay, na kapwa “Chinese-looking” at nakuhaan ng mga baril, ayon kay Brig. Gen. Jonnel Estomo, direktor ng PNP Anti-Kidnapping Group. Sangkot umano ang dalawa […]

SUV sumalpok: policewoman patay; hepe, 1 pa sugatan

NASAWI ang isang babaeng pulis habang sugatan ang kanyang hepe at isa pang kapwa alagad ng batas, nang sumalpok ang sinakyan nilang sports utility vehicle sa road railing, sa gitna ng malakas na ulan sa San Miguel, Zamboanga del Sur. Dead on arrival sa ospital si Pat. Cleio Citz Calamba, nakatalaga sa bayan ng Dimataling, […]

Truck driver patay sa road rage

NASAWI ang isang truck driver nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin, sa pinaniniwalaang insidente ng road rage sa Zamboanga City, kahapon. Dead on arrival sa ospital si Rowel Magno dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police. Naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga, habang minamaneho […]

4 kawal, 2 Abu patay sa bakbakan

APAT na kawal at dalawang kasapi ng Abu Sayyaf ang napatay nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang bandidong grupo sa Patikul, Sulu, ayon sa militar. Bukod sa mga nasawi’y may 17 pang miyembro ng Army 6th Special Forces Battalion na nasugatan, sabi ni Maj. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command. […]

8 katao inaresto sa rally kontra Anti-Terror Bill sa Cebu

WALO katao ang inaresto sa isinagawang “Black Friday Protest” laban sa Anti-Terror Bill, sa tapat ng campus ng University of the Philippines sa Cebu City, kaninang umaga. Kabilang sa mga naaresto si Jaime Paglinawan, 60, ng grupong Bayan-Central Visayas; Joahanna Veloso, 22, associate vice president ng National Union of Students of the Philippines; Bern Cañedo, […]

5 armado patay sa bakbakan

LIMANG kasapi ng armadong grupo ang napatay, siyam ang nasugatan, at 15 pa ang naaresto nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan sa Lambayong, Sultan Kudarat, ayon sa militar. Ang mga napatay ay pawang mga tagasunod ni Tugali Guiamal Galmak alyas “Commander Tugali,” ayon kay Col. Joel Mamon, officer-in-charge ng Army 601st Brigade. Kabilang naman […]

Previous           Next
What's trending