NASAWI ang isang truck driver nang pagbabarilin ng di pa kilalang salarin, sa pinaniniwalaang insidente ng road rage sa Zamboanga City, kahapon.
Dead on arrival sa ospital si Rowel Magno dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police.
Naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga, habang minamaneho ni Magno ang isang trak na pag-aari ng tindahan ng pintura at construction supplies, sa Governor Ramos ave., Brgy. Sta. Maria.
Bago ang pamamaril ay nasangkot si Magno sa pakikipagtalo sa isang naka-motorsiklong lalaki.
Pinaniniwalaang kalibre-.9mm baril ang ginamit salarin, na namataang tumakas patungong Brgy. Tumaga, ayon sa pulisya. (John Roson)
– end –
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.