5 police escort ng San Juan mayor sinibak ng NCRPO dahil sa paglabag sa quarantine | Bandera

5 police escort ng San Juan mayor sinibak ng NCRPO dahil sa paglabag sa quarantine

John Roson - June 08, 2020 - 12:09 PM

SINIBAK sa puwesto ni National Capital Region Police Office chief Maj. Debold Sinas ang limang pulis na nagsilbing escort ni San Juan City Mayor Francis Zamora para sa umano’y paglabag sa mga panuntunan ng quarantine sa Baguio City.

Tinanggal sa puwesto ang limang pulis kahapon, at nilipat sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit ng NCRPO, sabi ni Sinas sa isang kalatas.

Pinagsusumite na din ng paliwanag ang mga pulis, habang iniimbestigahan ng regional units ng Internal Affairs Service ng NCR at Cordillera ang kanilang kinasangkutan, aniya.

Ayon kay Sinas, nalaman ng NCRPO ang insidente kay Baguio Mayor Benjamin Magalong.

Sinabi aniya ni Magalong na pumasok si Zamora at ilang kasamahan nito sa Baguio noong Biyernes ng hapon, pero hindi sumailalim sa mga protocol na ipinatutupad ng lungsod laban sa COVID-19.

“Accordingly, the group of Mayor Zamora upon entry at Baguio City just passed by and ignored the border control checkpoint at Kennon Road.”

“The driver of the lead vehicle just slowed down a bit, pointed out the vehicles tailing his police car, then sped off with the Mayor’s entourage in tow going to Baguio Country Club without having to undergo the mandatory triage health examination,” ani Sinas.

Ayon kay Sinas, hindi niya kinukunsinte ang anumang paglabag ng kanyang mga tauhan sa quarantine protocols.

“We, as law enforcers, are bound to respect the existing rules and regulations anywhere in the Philippines. The safety of the people remains as our top priority in this trying times.”

Wala pa isang buwan bago ito, si Sinas at 18 niyang tauhan sa NCRPO ay kinasuhan para sa paglabag sa quarantine protocols nang magdaos ng kanyang birthday party sa loob ng kanilang kampo sa Bictuan, Taguig City.

Nalabag sa naturang party, na tinatawag na mañanita, ang mga panuntunan gaya ng physical distancing, pagsusuot ng face mask, at pagbabawal sa mass gathering, ayon sa pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending