8 katao inaresto sa rally kontra Anti-Terror Bill sa Cebu | Bandera

8 katao inaresto sa rally kontra Anti-Terror Bill sa Cebu

John Roson - June 05, 2020 - 04:52 PM

Arrested

WALO katao ang inaresto sa isinagawang “Black Friday Protest” laban sa Anti-Terror Bill, sa tapat ng campus ng University of the Philippines sa Cebu City, kaninang umaga.

Kabilang sa mga naaresto si Jaime Paglinawan, 60, ng grupong Bayan-Central Visayas; Joahanna Veloso, 22, associate vice president ng National Union of Students of the Philippines; Bern Cañedo, 21, vice president ng UP Cebu Student Council; Dyan Gumabao, ng Kabataan Partylist-Cebu; at Nar Porlas, ng Anakbayan-UP Cebu, ayon sa ulat ng Central Visayas regional police.

Kasama nilang naaresto sina Janry Ubal, 29; Ai Ingking, 26; at isang Clement Ventic Corominos, 19.

Dinampot sila para sa paglabag sa mga panuntunan ng community quarantine, ayon sa ulat.

Nagsimula ang rally sa tapat ng campus sa Brgy. Lahug, dakong alas-10.

Ipinrotesta ng mga lumahok ang Anti-Terror Bill, na kapapasa lang sa Kamara at Senado.

Hinikayat ng pulisya ang aabot sa 25 rallyista na mag-disperse, at nagbigay ng ilang warning bago nang-aresto alas-10:35, ayon sa ulat.

Una dito, nanawagan ang National Police sa publiko na huwag munang lumahok sa mga kilos-protesta, dahil sa COVID-19 pandemic.

Ibinigay ng PNP ang panawagan matapos magkaroon ng isa pang rally sa UP Diliman campus, kahapon.

“We were alarmed at the mass action and public assembly at UP Diliman campus yesterday which was held while strict public health measures are still being implemented to stop the spread of COVID-19,” sabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac.

“As responsible Filipino citizens, we should avoid any opportunity for possible human-to-human transmission of a deadly virus that even UP scientists themselves are trying so hard to eradicate.”

Ayon kay Banac, maaari namang gamitin ang kalayaan sa pamamahayag sa ibang paraan, gaya ng online protests na isinagawa ng ilang labor group noong Mayo 1.

“We support alternative means to exercise freedom of expression,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

– end –

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending