LIMANG kasapi ng armadong grupo ang napatay, siyam ang nasugatan, at 15 pa ang naaresto nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan sa Lambayong, Sultan Kudarat, ayon sa militar.
Ang mga napatay ay pawang mga tagasunod ni Tugali Guiamal Galmak alyas “Commander Tugali,” ayon kay Col. Joel Mamon, officer-in-charge ng Army 601st Brigade.
Kabilang naman sa mga naaresto si Tugali, na dating miyembro ng Pentagon kidnap-for-ransom group na nago-operate sa Central Mindanao.
Isinagawa ng 40th Infantry Battalion ang operasyon laban kay Tugali pasado alas-6 ng umaga kahapon, sa Purok Galmak, Brgy. Baumol.
Pagdating ng mga kawal sa lugar ay ni-reinforce pa ng aabot sa 20 armadong mula Brgy. Langgapanan ang pangkat ni Tugali, ayon sa militar.
Nakarekober ang mga sundlo ng 15 sari-saring baril sa pinangyarihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.