6 Indian student arestado sa 1 kilong marijuana
ANIM na Indian national ang naaresto nang makuhaan ng mahigit 1 kilo ng marijuana sa buy-bust operation sa tinutuluyan nilang condominium sa Pasay City kahapon.
Naaresto sina Sumanth Raju alyas “Kamal,” 22; Diju Moses Rengaswamy, 25; Mohammad Yusuf, 22; Angir Kula Pavan, 23; Nagendran Gugan, 23; at Sai Santha Kumar Dhamodharan, 22, pawang mga estudyante, ayon sa ulat ng Southern Police District.
Isinagawa ng mga tauhan ng city police ang operasyon sa ika-18 palapag ng Central Park Condominium, na nasa D. Joerge st., Brgy. 132, Zone 13, dakong alas-3:40.
Pakay ng mga operatiba si Raju, na siya umanong kilala sa paagbebenta ng marijuana.
Nakuhaan ang mga suspek ng 32 sachet at anim na zip lock packs na pawang may mga pinatuyong dahon ng marijuana, isang sando bag na may mga buto ng marijuana, at isang bungkos ng tangkay ng halaman.
Aabot sa 1,067 gramo o P128,040 halaga ng ng marijuana ang nasamsam.
Nakumpiska din sa mga suspek ang isang timbangan, mga basyong pakete, sari-saring drug paraphernalia, at ang P200 buy-bust money.
– end –
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.