SUV sumalpok: policewoman patay; hepe, 1 pa sugatan | Bandera

SUV sumalpok: policewoman patay; hepe, 1 pa sugatan

John Roson |June 10,2020
facebook
share this

SUV sumalpok: policewoman patay; hepe, 1 pa sugatan

John Roson - June 10, 2020 - 11:06 AM

Zamboanga del Sur

NASAWI ang isang babaeng pulis habang sugatan ang kanyang hepe at isa pang kapwa alagad ng batas, nang sumalpok ang sinakyan nilang sports utility vehicle sa road railing, sa gitna ng malakas na ulan sa San Miguel, Zamboanga del Sur.

Dead on arrival sa ospital si Pat. Cleio Citz Calamba, nakatalaga sa bayan ng Dimataling, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police.

Nagpapagaling naman ngayon sa pagamutan sina Capt. Roger Bartiana, officer-in-charge ng Dimataling Police, at isa pa niyang tauhan na si Cpl. Annabel Morales.

Naganap ang insidente alas-3:55 ng hapon kahapon, sa bahagi ng National Highway na sakop ng Purok 5, Brgy. Limonan.

Minamaneho ni Bartiana ang kanyang Toyota Fortuner (CAK-5409) mula Pagadian City pabalik ng Dimataling, nang bigla itong mag-swerve, sumalpok sa road railing, at mahulog sa kanal.

Sa lakas ng impact ay nagtamo ang mga sakay ng Fortuner ng pinsala sa iba-ibang bahagi ng katawan.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nawalan ng kontrol sa manibela si Bartiana dahil madulas ang kalsada bunsod ng pag-ulan.

Dinala sina Bartiana sa Margosatubig Regional Hospital, kung saan idineklarang patay si Calamba. (John Roson)

– end –

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending