John Roson Archives | Page 4 of 149 | Bandera

John Roson Archives | Page 4 of 149 | Bandera

Chinese, 2 pa dakip sa higit P5.1B shabu

ARESTADO ang isang Chinese national at dalawang babaeng Pilipina nang makuhaan ng aabot sa 756 kilo o mahigit P5.1 bilyon halaga ng hinihinalang shabu, sa isang warehouse sa Marilao, Bulacan, kaninang hapon. Naaresto sa buy-bust operation ang banyagang si Yuwen Cai, at mga kasama niyang sina Angela at Ma. Lyn Tulio, ayon sa ulat ng […]

Pamilya pinagbabaril: 2 patay, 1 sugatan

NASAWI ang isang lalaki, ang kinakasama niyang babae, at anak ng huli, nang pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Margosatubig, Zamboanga del Sur, kagabi. Agad ikinasawi ng 42-anyos na si Jose Cabatcha, isang mangingisda, ang tatlong tama ng bala sa tiyan at dibdib, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police. Itinakbo sa pagamutan […]

Mayor, 2 pa sugatan sa ambush

SUGATAN ang alkalde ng Lumbaca-Unayan, Lanao del Sur, kanyang misis, at driver nang tambangan ng mga armadong naka-motorsiklo, sa Cagayan de Oro City, kaninang umaga. Dinala sa pagamutan si Lumbaca-Unayan Mayor Somerado Guro, 60; misis niyang si Rohaifa, 26; at driver na si Ibrahim Gani, 58, dahil sa mga tama ng bala, ayon kay Col. […]

Brgy. police patay sa kalabaw

NATAGPUANG patay ang isang miyembro ng barangay police sa Ramon, Isabela, kaninang umaga, matapos umanong suwagin ng alagang kalabaw. Nadiskubre ang bangkay ni Marlon Valencia, sa gitna ng palayan sa Purok 3, Brgy. Oscariz, dakong alas-6, ayon sa ulat ng Isabela provincial police. Si Valencia, 47, ay residente’t miyembro ng barangay police ng Brgy. Sinamar […]

2 tumakas na detainee na positibo sa Covid-19 nahuli na

NADAKIP na ang dalawang detainee na nagpositibo sa COVID-19, matapos nilang tumakas sa quarantine facility sa Binondo, Manila. Halos magkasabay lang nahuli sina Ceasar Adriatco at Jerick Savallon sa Brgy. 781 at Brgy. 767 ng Sta. Ana district, ngayong tanghali, ayon kay Lt. Col. Carlo Magno Manuel, tagapagsalita ng Manila Police District. Tumakas ang dalawa […]

2 detainee na infected ng Covid-19 tumakas sa quarantine facility

PINAGHAHANAP ngayon ng pulisya ang dalawang detainee na nagpositibo sa Covid-19, matapos tumakas ang mga ito sa quarantine facility sa Binondo, Manila. Nadiskubre ang pagtakas nina Ceasar Adriatco at Jerick Savallon sa Delpan Evacuation Center kaninang aalas-7:30 ng umaga, ayon sa ulat ng Manila Police District. Sina Adriatco at Savallon ay kapwa detainee ng MPD Station […]

Unang araw ng GCQ ‘generally peaceful’

ITINUTURING ng National Police na “generally peaceful and orderly” ang unang araw ng pagpapatupad ng general community quarantine sa Metro Manila at modified general community quarantine sa ibang bahagi ng bansa. Ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa, ito ang kabuuang sitwasyon na lumalabas sa mga natanggap na ulat ng PNP Command Center mula sa […]

2 lumang oil rig gagawing outpost ng AFP

GAGAWING outpost ng Armed Forces ang dalawang lumang oil rig malapit sa Palawan, para bantayan ang West Philippine Sea. “It will increase our maritime domain awareness and our operational reach,” sabi ni AFP chief Gen. Felimon Santos Jr. Tinutukoy ni Santos ang plano ng AFP sa Nido at Matinloc platforms, na nasa hilagang-silangan ng Palawan. […]

Terror suspect patay sa buy-bust

PATAY ang isang miyembro ng lokal na grupong may kaugnayan sa ISIS nang makipagbarilan sa mga pulis sa Lambayong, Sultan Kudarat. Napatay si Al Rashed Sungan Layao, miyembro ng pro-ISIS faction ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na pinamumunuan ni Esmael Abdulmalik alyas “Abu Toraife,” sabi ni Lt. Col. Lino Capellan, tagapagsalita ng Central Mindanao regional […]

3 ex-rebel dinukot ng NPA

DINUKOT ng mga kasapi ng New People’s Army ang tatlo nilang dating kasamahan, sa Motiong, Samar, ayon sa militar. Dinukot ng limang kalalakihang armado ng mahabang baril si Cosme Cabangunay at mga anak niyang sina Jevie at Jason, sa Brgy. Canvais, ayon kay Capt. Reynaldo Aragones, tagapagsalita ng Army 8th Infantry Division. Ang mag-aama ay […]

Chapel, 4 bahay sinunog ng hinihinalang NPA

SINUNOG ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army ang isang kapilya at apat na bahay sa Opol, Misamis Oriental, kaninang madaling-araw. Naabo ang kapliya ng isang sekta ng born again Christian, at ang mga bahay ng mga sibilyang sina Edward Villiarias, Ronny Tingkang, Edmar Burlat, at Avilino Sambulay, ayon kay Col. Robert Roy Bahian, […]

Previous           Next
What's trending