ARESTADO ang isang Chinese national at dalawang babaeng Pilipina nang makuhaan ng aabot sa 756 kilo o mahigit P5.1 bilyon halaga ng hinihinalang shabu, sa isang warehouse sa Marilao, Bulacan, kaninang hapon.
Naaresto sa buy-bust operation ang banyagang si Yuwen Cai, at mga kasama niyang sina Angela at Ma. Lyn Tulio, ayon sa ulat ng PNP Drug Enforcement Group.
Isinagawa ng DEG, Bulacan provincial police, at Marilao Police ang operasyon sa Reley st., Brgy. Lias, dakong alas-3.
Aabot sa P5.14 bilyon ng umano’y shabu, na pawang mga nakalagay sa 63 lata ng biskwit, ang naasamsam sa mga suspek.
Nabawi din sa kanila ang P1 milyon buy-bust money.
Sa dami ng shabu na nakuha sa warehouse, pinaniniwalaan na kaya itong ipadala di lang sa ibang bahagi ng Luzon, kundi pati sa Visayas at Mindanao, sabi ni PNP chief Gen. Archie Gamboa sa mga reporter.
Naniniwala ang PNP na ang nasabat na droga ay inimport, aniya pa.
Sinusuri pang pulisya ang mga lata ng biskwit, na sa paunang imbestigasyon ay lumalabas na may mga markang Japanese characters.
“It can always be a deviation, of course meron naman siyang intel worth siguro later, but basically ang nakalagay ay mga Japanese character, according sa translator sa cellphone,” ani Gamboa.
Nagsasagawa pa ang pulisya ng karagdagang imbestigasyon para malaman ang iba pangdetalye ng operasyon ng warehouse, mga suspek, at mga posible pa nilang koneksyon, aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.