Pamilya pinagbabaril: 2 patay, 1 sugatan | Bandera

Pamilya pinagbabaril: 2 patay, 1 sugatan

John Roson |June 04,2020
facebook
share this

Pamilya pinagbabaril: 2 patay, 1 sugatan

John Roson - June 04, 2020 - 05:51 PM

gun

NASAWI ang isang lalaki, ang kinakasama niyang babae, at anak ng huli, nang pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Margosatubig, Zamboanga del Sur, kagabi.

Agad ikinasawi ng 42-anyos na si Jose Cabatcha, isang mangingisda, ang tatlong tama ng bala sa tiyan at dibdib, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police.

Itinakbo sa pagamutan ang kinakasama niyang si Naima Zulueta, 38, dahil sa mga tama ng bala sa pigi at mga hita, pero di na umabot nang buhay.

Dinala rin sa ospital ang anak ni Naima na si Nadjar, 5, dahil naman sa hinihinalang tama ng shrapnel sa kaliwang binti.

Naganap ang insidente sa Purok Gumamela, Brgy. Igat Island, dakong alas-9:45.

Nasa loob ng kanilang bahay si Cabatcha at ang mga Zulueta nang pumasok ang dalawang di kilalang tao, at bigla silang pinaputukan gamit ang kalibre-.45 at kalibre-.30 baril, ayon sa pulisya.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, aat motibo ng mga salarin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending