NATAGPUANG patay ang isang miyembro ng barangay police sa Ramon, Isabela, kaninang umaga, matapos umanong suwagin ng alagang kalabaw.
Nadiskubre ang bangkay ni Marlon Valencia, sa gitna ng palayan sa Purok 3, Brgy. Oscariz, dakong alas-6, ayon sa ulat ng Isabela provincial police.
Si Valencia, 47, ay residente’t miyembro ng barangay police ng Brgy. Sinamar Sur, bayan ng San Mateo.
Nagtamo siya ng mga pinsala na pinaniniwalaang dulot ng panunuwag, habang ang sungay ng kanyang kalabaw ay kinakitaan ng dugo, ayon sa pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.