3 ex-rebel dinukot ng NPA | Bandera

3 ex-rebel dinukot ng NPA

John Roson - May 29, 2020 - 01:18 PM

NPA

DINUKOT ng mga kasapi ng New People’s Army ang tatlo nilang dating kasamahan, sa Motiong, Samar, ayon sa militar.

Dinukot ng limang kalalakihang armado ng mahabang baril si Cosme Cabangunay at mga anak niyang sina Jevie at Jason, sa Brgy. Canvais, ayon kay Capt. Reynaldo Aragones, tagapagsalita ng Army 8th Infantry Division.

Ang mag-aama ay pawang mga dating kasapi ng NPA, na sumuko sa pamahalaan at kasalukyang bahagi ng “Motiong Peacebuilders,” isang grupo ng mga dating rebelde, aniya.

Pinasok ng mga armado ang bahay ng mga Cabangunay noong Miyerkules ng madaling-araw at tinangay ang mag-aama, ani Aragones, gamit bilang basehan ang impormasyon mula sa barangay officials.

Hinihiling ngayon ng mga lokal na residente at militar sa NPA ang “safe and unconditional release” ng mga dinukot.

“The people of Motiong demand that you release the victims unharmed. You can embrace peace with us or face the fury and condemnation of the community as the government forces will relentlessly pursue you,” ani Col. Camilo Ligayo, commander ng Army 801st Brigade.

“We assure the relatives that our soldiers will do everything necessary to pursue the perpetrators and bring them to justice,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending