MATAGAL nang palaging napagkakamalang transgender ang isang female personality. Matangkad kasi siya, medyo pangahan, kaya madalas siyang napagdidiskitahang becki na nagpaopera na para magmukhang babae talaga. Napasama siya nu’n sa isang talk show, tanong ng isang kaibigan sa kasamahan niyang host, “Ano nga ang name ng kasama n’yong transgender sa talk show n’yo?” Takang-taka ang […]
Milyun-milyon na ang inaaning views ngayon ng Team Ramento Vlogs, ang mga kababayan nating uzi kung tawagin, usisero sila pero matinding scoop ang kanilang nakuha nang ratratin ang van ni Kim Chiu kamakailan. Kinabog ng dalawang lalaki ang mga bihasa nang radio and TV reporters dahil sila lang ang nakakuha ng kabuuang detalye ng pagpapaulan […]
SIMPLENG-SIMPLE lang kung kantiyawan ng kanyang mga kasamahan ang isang pamosong male performer dahil sa pagiging kuripot niya. Hindi raw siya kuring, ganti ng male singer, marunong lang daw siyang humawak ng pera. Kilalang-kilala siya sa kanilang hanay sa pagiging tiyani. Hindi siya basta-basta naglalabas ng pera, kailangang ipaliwanag muna sa kanya ang dahilan kung […]
Napakabalat-sibuyas naman ni Erwan Heussaff. Naturingang public figure ang misis niyang si Anne Curtis pero napikon siya nang may naunang maglabas ng balitang nanganak na ang aktres sa Australia. Ano naman ang dapat niyang ikagalit kung naunahan man sila? Pinag-uusapan pa ba ang oras ng paglalabas ng balita sa ganu’ng pangyayari? Walang kasalanan si Attorney […]
ANG dami-daming kuwento tungkol sa mommy ng isang sikat na aktres. Palibhasa’y nakatikim siya nang sobrang kahirapan, hanggang ngayong maayos na ang kanilang buhay ay bitbit pa rin niya ang alaala ng kahapon, talagang ingat na ingat pa rin siyang bumalik sa dati. Maingat siya sa pananalapi, lahat ng kinikita ng kanyang sikat na anak […]
TAWA kami nang tawa sa mga komento ng aming mga kaibigan tungkol sa seryeng Ang Probinsyano. Kung anu-ano ang kanilang napapansin pero gabi-gabi pa rin naman nilang sinusubaybayan ang pinagbibidahang serye ni Coco Martin. Sabi ni Liza, kaibigan namin sa kolehiyo, “Ano ba naman ‘yan? Presidente ka, sakit na nang sakit ang ulo mo, pero […]
NUKNUKAN nang kaartehan kung ilarawan ng kanyang mga nakatrabaho ang isang hunk actor. Walang kasing-arte, sabi pa ng mga ito, samantalang hindi naman siya mahusay umarte. Binigyan niya ng problema ang produksiyon, tumanggap siya ng proyekto katambal ang isang seksing aktres, pero napakarami niyang reklamo sa mga eksenang ipinagagawa sa kanila ng direktor. Kuwento ng […]
May mga kaibigan kaming nakatira sa sosyal na condominium na tinitirhan ngayon ng mga bagong kasal na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Puro positibo ang kanilang mga kuwento, walang kaangas-angas si Matteo at palagi namang nakangiti si Sarah. Naturingang pangyayamanin ang condo unit na kanilang tinitirhan pero hindi pa rin sila nakaliligtas sa imbitasyon […]
HINDI napipigilan ang pagkakaedad. May mga bagong paraan para hindi gaanong mapansin ang pisikal na pagtanda, nareretoke ‘yun, pero ang edad ng tao ay hindi puwedeng maitago. May edad na ang isang kilalang female personality, alam ng buong bayan kung gaano siya katanda ngayon, kabisado ng publiko ang kanyang kaarawan. Natural, dahil sa kanyang pagkakaedad […]
Hindi rin pala dapat ipayo sa mga motorista ang sasakyang noise proof. Manila proof ang terminong ginagamit du’n, pinakakapalan ng may-ari ang mga dingding ng sasakyan, para hindi masyadong naririnig ang ingay sa kalye. May mga sasakyang bullet proof, kailangan ‘yun ng mga militar at malalaking pangalan sa linya ng pagnenegosyo, malaki ang posibilidad na […]