Mommy ng sikat na aktres wais sa pera, pati pagkain ng kasambahay tinatakal | Bandera

Mommy ng sikat na aktres wais sa pera, pati pagkain ng kasambahay tinatakal

Cristy Fermin |March 10,2020
facebook
share this

Mommy ng sikat na aktres wais sa pera, pati pagkain ng kasambahay tinatakal

Cristy Fermin - March 10, 2020 - 01:10 AM

ANG dami-daming kuwento tungkol sa mommy ng isang sikat na aktres. Palibhasa’y nakatikim siya nang sobrang kahirapan, hanggang ngayong maayos na ang kanilang buhay ay bitbit pa rin niya ang alaala ng kahapon, talagang ingat na ingat pa rin siyang bumalik sa dati.

Maingat siya sa pananalapi, lahat ng kinikita ng kanyang sikat na anak ay sinisigurado niyang nailalagay sa maayos na negosyo, pati sa kanilang bahay ay mahigpit din si mommy.

Kuwento ng isang source, “May mga kasambahay silang hindi nakatatagal, nahihirapan silang makisama kay mommy, dahil sobrang mahigpit.

“Tasado kasi ang food nila, kung ano lang ang budget na ibinibigay sa kanila ni mommy, ‘yun lang ang puwede nilang pagkasyahin.

“E, mahilig mag-uwi si mommy ng food sa mga pinupuntahan nila ng anak niya, hindi nila puwedeng galawin ‘yun, para sa family lang nila ang food, hindi puwedeng kainin ng mga kasambahay.

“Sa paglalaba na lang, hindi niya ipinagkakatiwala sa maid of cotton nila ang lalagyan ng sabon sa labandera nila. Takal na takal ‘yun, kung ano lang ang kailangang gamitin, ‘yun lang ang ibinibigay niya sa maglalaba ng mga damit nila.

“Ganu’n siya katipid, nasa ayos ang lahat, dahil ang katwiran niya, e, hindi naman pinupulot lang ng anak niya ang ipinanggo-grocery nila! Na tama naman!” unang chika ng aming impormante.

Ang lahat ng kanyang ginagawa ay dahil sa matinding hirap na dinanas niya sa buhay, ayaw na niyang maulit pa ‘yun, hindi raw kakayanin ng kanyang mga anak ang kahirapang pinagdaanan niya.

Patuloy ng aming source, “Matipid din si mommy sa food. Tandang-tanda niya kung ilang piraso ang mga pinamimili ng kanilang cook. May sarili rin siyang timbangan sa bahay.

“Kunwari, longganisa, kabisado niya ang bilang nu’n, kaya kung may magluluto nang walang paalam, natural, magtatanong si mommy kung nasaan at sino ang nagpaluto?

“Kaya kahit ang mga anak na niya ang nagpapaluto, e, nagpapaalam pa rin sila kay mommy, mahirap na nga namang mapagbintangan, kailangang alam niya ang mga nagaganap!

“Hindi palakain ang anak niyang sikat, konting-konti lang siyang kumain, kaya inaabangan ng kanilang mga kasambahay ang mga tira-tira ni daughter.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi lang nga sa anak niya mahigpit si mommy, sa lahat ng anggulo! Talagang napakahigpit niya!” natatawa pang pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na this! Wala nang kailangang clue!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending