Aktor nagreklamo sa sex scene, ayaw humawak ng boobs | Bandera

Aktor nagreklamo sa sex scene, ayaw humawak ng boobs

Cristy Fermin |March 08,2020
facebook
share this

Aktor nagreklamo sa sex scene, ayaw humawak ng boobs

Cristy Fermin - March 08, 2020 - 12:50 AM

NUKNUKAN nang kaartehan kung ilarawan ng kanyang mga nakatrabaho ang isang hunk actor. Walang kasing-arte, sabi pa ng mga ito, samantalang hindi naman siya mahusay umarte.

Binigyan niya ng problema ang produksiyon, tumanggap siya ng proyekto katambal ang isang seksing aktres, pero napakarami niyang reklamo sa mga eksenang ipinagagawa sa kanila ng direktor.

Kuwento ng aming source, “Ipinabasa sa kanya ang script, tuwang-tuwa siya, maganda raw ang movie. Tinanggap niya nang buong-ningning ang pelikula, pero nu’ng kalagitnaan na ng shooting, e, umariba na ang kaartehan niya!” rebelasyon ng aming impormnate.

Marami na siyang kuwestiyon, bakit daw kailangan nilang gawin ang ganu’ng eksena ng sexy actress, bakit parang porno na raw ang kanilang pelikula?

Balik-chika ng aming source, “Naku, ang dami-dami na niyang binubusisi sa script, samantalang tinanggap niya naman ang project, alam niya kung ano ang magiging takbo ng istorya!

“At bilang magkarelasyon sila ng sexy actress, natural, meron silang maiinit na eksena! Aba, ang galing-galingang hunk actor, kinukuwestiyon na niya ang mga ipinagagawa sa kanila ni direk!

“Kailangan daw ba talaga ‘yun sa eksena? Dapat daw ba talagang may pumping scene siya? Lahat talaga, e, binubusisi na niya!” inis na kuwento pa ng aming impormante.

At ang the height, humingi siya ng meeting, nagharap-harap sila ng producer, writer at director ng pelikula. Ipinipilit niya na hindi na raw kailangan ang mga eksenang ipinagagawa sa kanila.

“At heto pa, pati ang partner niya, e, tinuruan din niyang magreklamo! Sumunod naman ang hitad na babae, kaya dalawa silang tumatangging gawin ang mga eksena!

“Sa kaartehan ng hunk actor na ‘yun, alam n’yo ba na double lang ang kamay na humawak sa boobs ng girl? Tama! Ayaw niyang gawin ang eksena, kaya kamay ng ibang lalaki ang ginamit sa movie!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Naku, hanggang ngayon pala, e, ganu’n pa rin kaarte ang lalaking ‘yun! Nilalagyan pa rin kaya niya ng gamot na pula ang mga nipples at paa niya?

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, lagyan n’yo na lang ng X ang name ng maarteng hunk actor na ‘yun!” pagtatapos ng naiinis naming impormante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending