Female celeb naloka sa tanong ng motorcycle driver: Transgender po ba kayo? | Bandera

Female celeb naloka sa tanong ng motorcycle driver: Transgender po ba kayo?

Cristy Fermin |March 12,2020
facebook
share this

Female celeb naloka sa tanong ng motorcycle driver: Transgender po ba kayo?

Cristy Fermin - March 12, 2020 - 12:35 AM

MATAGAL nang palaging napagkakamalang transgender ang isang female personality. Matangkad kasi siya, medyo pangahan, kaya madalas siyang napagdidiskitahang becki na nagpaopera na para magmukhang babae talaga.

Napasama siya nu’n sa isang talk show, tanong ng isang kaibigan sa kasamahan niyang host, “Ano nga ang name ng kasama n’yong transgender sa talk show n’yo?”

Takang-taka ang TV host, wala naman kasi silang kasamahang transgender sa programa, kaya nilinaw nito ang tanong.

Sagot ng nagtatanong, “Hindi siya main host, may isang segment lang siya, becki rin ang kasama niya. Transgender siya, hano? Halatang-halata naman kasi!”

Naloka ang TV host, ang tinutukoy palang transgender ng nang-uusisa sa kanya ay ang female personality na nanggaling sa mundo ng modelling, windang ang tinatanong.

Pero hindi siya transgender, tunay siyang babae mula ulo hanggang paa, may mga pagkakataon lang na napagkakamalan siyang nagparetoke ng mukha at katawan para magmukha na siyang babae.

Kuwento ng aming source, “Paano siya magiging transgender, e, meron siyang anak? Napakatagal niyang itinago ang pagkakaroon ng anak, deny siya nang deny, ginawa niyang sinungaling ang mga naglabas ng balita na bata pa lang siya, e, nagkaroon na siya ng baby!

“Talagang super-deny siya, sinisiraan lang daw siya ng mga nakasama niya sa modelling, dahil marami siyang projects. Pero wala raw siyang anak, pamangkin daw niya ang batang nakatira sa house nila,” pag-alala ng aming impormante.

Kailan lang ay naulit ang karanasan ng female personality, pinagkamalan din siyang transgender ng isang miyembro ng mga nagmomotor sa kalye, kinailangan niya kasing sumakay at magpahatid sa motor sa kanyang kompromiso dahil sa sobrang trapik.

“Nakaayos siya, magho-host siya sa isang affair, kaya todo ang make-up at parang mini gown ang suot niya.
“Nu’ng pababa na siya, e, tinanong siya ng tsismosong driver ng motor, ‘Ma’m, transgender po ba kayo?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naloka si girl, pero hindi na niya sinagot ang motorcycle driver, dahil male-late na siya sa hosting!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, mauupo kaya kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan sa panghuhula kung sino ang female personality na ito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending