Aktres walang tigil sa pamimigay ng pera pag nalalasing...noong super rich pa | Bandera

Aktres walang tigil sa pamimigay ng pera pag nalalasing…noong super rich pa

Cristy Fermin - March 09, 2020 - 12:20 AM

ISANG gabi ay nagkita-kita ang mga dating magkakasama sa isang produksiyon. Dumating kasi ang kanilang mga kaibigan na matagal nang naninirahan sa iba-ibang bansa.

Reunion ang naganap, napakasayang pagsasama-sama, hanggang sa mauwi ang kanilang kuwentuhan sa isang pamosong female personality na kanilang pinaglingkuran.
Kuwento ng isang nandu’n, “Hinayang na hinayang ako sa dami ng perang dumaan sa mga kamay niya. Naalala ko pa, attache case ang lalagyan niya ng pera nu’n!

“Sobrang dami ng pera niya, bundle-bundle kung maglabas siya! E, sobrang generous niya, sa totoo lang, kapag nakatuwaan niyang mamigay ng pera, talagang hablot lang siya nang hablot sa nakalabas niyang bundle!

“Tapos, kapag lasing na lasing na siya, e, tatawagin niya ang mga waiters, papipilahin niya, bigay siya nang bigay ng datung! Kaya kapag dumarating siya nu’n sa mga bars na paborito niya, e, halos buhatin na siya ng staff paakyat dahil sa pagiging sobrang generous niya!” pag-alala ng unang source.

Pero maraming tauhan na rin pala ng babaeng personalidad ang napaalis dahil sa pangloloko sa kanya. Siya mismo ang nakakadiskubre ng kalokohan kaya walang lusot ang kanyang staff.

Ang komento naman ng isa pang impormante sa umpukan, “Kahit kasi bigay siya nang bigay ng pera sa kung kani-kanino, e, may photographic mind siya!

“Alam niya kung ilang bundle na pera ang dala-dala niya, alam din niya kung magkano na ang nababawas sa bundle, ewan kung paano niya ‘yun nalalaman!

“Siyempre, may mga taong mapagsamantala, di ba? Lalo na kung bago pa lang na nasa kanya. Ang akala nila, kapag lasing na lasing na ang boss nila, e, wala nang pakialam sa datung niya!

“‘Yun ang madalas na dahilan kung bakit pinaaalis niya ang staff niya, ninanakawan siya, nagkukulang ang pera niya!” sabi nito.

Pero puro alaala na lang ang lahat dahil ibang-iba na ang estado ng buhay ngayon ng female personality. Wala na siyang datung, kasyang-kasya na lang para panggastos ang meron siya, wala na siyang bundle-bundle na hinahawakan ngayon.

Konklusyon ng isang nasa umpukan, “Kung naging masinop lang sana siya sa pera, milyonaryo pa rin siya hanggang ngayon. Kaso, naging bulagsak siya, e!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala na nga siyang bahay, e, wala pa siyang sasakyan, nangungupahan na lang siya ngayon, samantalang dati, e, ang dami niyang bahay na naluluma lang dahil walang nakatira,” malungkot na pagtatapos ng miron.

Bradly Guevarra (happy birthday uli) at Tita Nene Ulanday, hindi kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan sa panghuhula kung sino ang pamosong babaeng personalidad na ito, pramis!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending