Mister ni Anne pikon: Si Nico Bolzico ang sisihin mo!
Napakabalat-sibuyas naman ni Erwan Heussaff. Naturingang public figure ang misis niyang si Anne Curtis pero napikon siya nang may naunang maglabas ng balitang nanganak na ang aktres sa Australia.
Ano naman ang dapat niyang ikagalit kung naunahan man sila? Pinag-uusapan pa ba ang oras ng paglalabas ng balita sa ganu’ng pangyayari?
Walang kasalanan si Attorney Ferdie Topacio sa unang paglalabas ng kuwento, sisihin niya ang bayaw niyang si Nico Bolzico, dahil ito ang nagkuwento sa abogado tungkol sa panganganak ng misis niya.
E, ano naman kaya kung lumabas na agad ang balita nang hindi nanggagaling sa kanila? Pampublikong pigura ang kanyang misis, artista si Anne, kaya natural lang na malalaman pa rin ng publiko ang kanyang panganganak.
Kung minsan talaga ay kulang na kulang sa paglingon sa nakaraan ang ibang personalidad. Bahagi ang mga press people sa kasalukuyang estado ni Anne bilang matagumpay na artista.
Kung naunahan man sila sa paglalabas ng kuwento ay ayos lang ‘yun, ayaw ba ni Erwan Heussaff na interesado ang publiko sa pagkakaroon nila ng baby ni Anne, malaking krimen na bang maituturing na hindi sa kanila unang nanggaling ang baltia?
Hay, naku!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.