Kim sinundan ng 2 suspek mula sa subdivision | Bandera

Kim sinundan ng 2 suspek mula sa subdivision

Cristy Fermin - March 07, 2020 - 12:07 AM

Hindi rin pala dapat ipayo sa mga motorista ang sasakyang noise proof. Manila proof ang terminong ginagamit du’n, pinakakapalan ng may-ari ang mga dingding ng sasakyan, para hindi masyadong naririnig ang ingay sa kalye.

May mga sasakyang bullet proof, kailangan ‘yun ng mga militar at malalaking pangalan sa linya ng pagnenegosyo, malaki ang posibilidad na makaligtas sa pananambang ang mga sakay ng bullet proof na sasakyan.

Hindi biro ang naganap sa pagratrat sa van ni Kim Chiu, siguradong magiging matinding bangungot nang mahabang panahon sa kanyang buhay ang senaryo, lalo na’t sa isip ng buong bayan ay mistaken identity ang pangyayari dahil wala namang kaaway na magpaplanong ipapatay ang aktres.

Hindi pala bullet proof ang kanyang van kundi Manila proof. ‘Yun ang dahilan kung bakit sabi ni Kim ay manipis lang ang mga tunog na narinig niya.

Usung-uso sa mga artista ang pagpapa-customize ng kanilang mga sasakyan dahil halos nasa kalye na nga sila kadalasan. May CR na sila, kama at pinakakapalan nila ang magkabilang gilid para hindi sila masyadong naiingayan habang bumibiyahe sila.

Pinakaligtas ang bullet proof na sasakyan lalo na sa mga panahong ito na parang dalawa-singko na lang ang buhay ng tao.

Iniimbestigahan pa hanggang ngayon ang pamamaril sa van ni Kim Chiu, kailangan nga namang ugatin ang pangyayari, lalo na’t mula pa lang pala sa paglabas niya sa kanilang subdivision ay may nakatugaygay nang riding in tandem sa kanyang van.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending