Sikat na male performer wais sa pera, kumakain nang walang gastos | Bandera

Sikat na male performer wais sa pera, kumakain nang walang gastos

Cristy Fermin |March 11,2020
facebook
share this

Sikat na male performer wais sa pera, kumakain nang walang gastos

Cristy Fermin - March 11, 2020 - 12:50 AM

SIMPLENG-SIMPLE lang kung kantiyawan ng kanyang mga kasamahan ang isang pamosong male performer dahil sa pagiging kuripot niya. Hindi raw siya kuring, ganti ng male singer, marunong lang daw siyang humawak ng pera.

Kilalang-kilala siya sa kanilang hanay sa pagiging tiyani. Hindi siya basta-basta naglalabas ng pera, kailangang ipaliwanag muna sa kanya ang dahilan kung bakit, saka lang magbubukas ang kanyang bulsa.

Kuwento ng aming source, “Ilang beses na namin siyang nakasama sa mga shows sa ibang bansa. Wala siyang kaarte-arte. Masarap siyang kasama dahil adjustable ang ugali niya.

“Wala siyang hinihinging kung anu-ano kahit pa sikat na siya, talagang hindi niya binibigyan ng problema ang mga producers. Masarap siyang kasama sa mga biyahe abroad,” unang kuwento ng aming impormante.

Kapag nasa ibang bansa ay may per diem ang mga artista at singers, ‘yun ang kanilang daily allowance, karaniwan ay singkuwenta dolyares ang ibinibigay sa kanila ng mga prodyuser.

Balik-chika ng aming source, “Madalas, e, hindi naman nila nagagastos ang per diem nila dahil maraming Pinoy ang nagyayaya sa kanila para kumain sa labas.

“Tuwang-tuwa ang grupo kapag ganu’n dahil libre lang ang food nila, hindi nila kailangang magpabili, si ____ (pangalan ng male singer) ang pinakamasaya kapag ganu’n!

“Hindi kasi talaga niya nagagastos ang allowance niya, itinatago lang niya ‘yun, hindi mo siya maaasahang lumabas ng hotel para kumain.

“Hindi na ‘yun bago sa mga kasamahan niya, kaya nakakakain siya nang walang gastos, ang mga kaibigan na niya ang nagtsi-chip-in-chip-in para sa kanilang food. Libre na ang kuring na male singer!

“Kapag pauwi na ang grupo, e, du’n lumalabas ang per diem niya, ‘yun ang ipinamimili niya ng mga pasalubong, mautak ang male performer na ito!

“Bakit nga naman, e, maraming kababayan natin ang nagmamagandang-loob na magpakain sa grupo nila, di ipambili niya na lang ng pasalubong ang singkuwenta dolyares daily na give sa kanila ng produ!

“Napakadaling hulaan kung sino ang male personality na ito, galing siya sa isang malaking pamilya ng mga artista, puro artista silang magkakapatid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa kanilang mag-uutol, e, siya ang kilalang babaero. Magaling siyang humawak ng pera, kaya naman magandang-maganda ang buhay ng pamilya niya.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kailangan n’yo pa bang magsuot ng shades para lang mahulaan n’yo kung sino siya?” natatawang pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending