Duterte may campaign sortie sa HK, pero hinala ng iba tatakasan ang ICC?

PHOTO: Facebook/Rody Duterte
NAGING usap-usapan sa social media ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos maispatan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Biyernes, March 7.
Mapapanood sa viral video na may mga lumapit sa kanya para magpa-picture, habang inaantay ang flight papuntang Hong Kong.
Makikita rin na sumakay si Duterte sa isang commercial flight –walang special treatment o private jet.
Dahil diyan, may mga espekulasyon na baka iniiwasan ng dating presidente ang posibleng arrest order mula sa International Criminal Court (ICC) na iniimbestigahan siya dahil sa madugong giyera kontra droga noong kanyang termino.
Baka Bet Mo: Senatoriable Chavit Singson: Duterte, maaaring mamatay, ‘di makukulong
Ngunit ayon sa report ng Philippine Daily Inquirer, tutungo siya sa nasabing lugar para pangunahan ang campaign sortie ng Partido Demokratiko ng Pilipinas (PDP) ngayong Linggo, March 9, na kung saan ay target nila ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Siyam na kandidata sa pagka-senador ang ineendorso ni Duterte sa darating na midterm elections.
Kabilang na riyan ang controversial televangelist na si Apollo Quiboloy na kasalukuyang nakakulong dahil sa kasong may kinalaman sa child sexual abuse.
Samantala, excited na ang supporters ni Duterte sa Hong Kong kung saan todo-promote sila ng event sa Southorn Stadium sa Wan Chai para mas maraming dumalo sa rally.
Para sa mga hindi aware, ang Hong Kong ang may pinakamaraming rehistradong OFW voters.
Kaya hindi nakapagtataka kung bakit dito ginawa ang unang campaign stop ng PDP!
Kumakalat din online ang poster ng PDP event na nagpapakita ng iba pang schedule ng campaign sorties sa Pilipinas na dadaluhan ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.