Angelica Yulo keribels pa ring mabuhay kahit wala ang pera ni Carlos
MARAMING pumuri kay Angelica Yulo dahil napanindigan nito ang pangakong never nang magsasalita laban sa kanyang anak na si Carlos Yulo.
Ito’y dahil na rin sa pagmu-move on ng nanay ng ating 2-time Olympic gold medalist sa pamamagitan ng pagtutok muli sa kanyang food business na matagal na rin naman niyang ginagawa.
Pero siyempre, kung may mga natuwa at bumilib kay Angelica, meron pa ring nangnega at nambasag sa kanya, lalo na yung mga fans ni Yulo na hindi pa rin makapag-move on sa alitan ng mag-ina.
Baka Bet Mo: Carlos Yulo pinayuhang puntahan, makipag-ayos na sa inang si Angelica
In fairness, matatawag na ring “kumikitang kabuhayan” ang longganisa at chicken wings business ng nanay ni Carlos dahil talagang dinudumog ngayon ng mga kababayan natin ang kanyang mga paninda.
View this post on Instagram
Siguradong malaki ang maitutulong nito sa kanilang pamilya lalo pa’t balitang hanggang ngayon ay hindi pa rin sila pinupuntahan ni Carlos para tuluyan nang maayos ang kanilang family feud.
Sa Facebook page ng BANDERA, iba’t iba ang naging reaksyon ng ating mga loyal readers – may kampi kay Angelica at meron din namang pumapanig kay Carlos pati na rin sa girlfriend nitong si Chloe San Jose.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming post sa comments section ng BANDERA FB.
“Good for her bawas bawasan nadin Niya pagpopost sa social media habang mainit pa Yung issue at magfocus na muna sa negosyo at mga anak.”
“Good news na nakatulong ang socmed sa business ni Mommy Angge. Sna laging good vibes lang. Hndi ung puro parinigan cla dito sa socmed tapos panay pa sawsaw ni Marites!”
Baka Bet Mo: Vice inakusahang kampi sa nanay ni Carlos Yulo, umalma: Sa’n galing ‘to?
“Naku d nyo lang alam,Minsan o madalas iba Ang sinasabi sa totoong nararamdam, grabe kaya Ang sakit Ng salita pag galing sa anak at grabe din Ang sakit pag galing sa Ina. sila lang nakakaalam Ng katotonan. pero Ako bilang anak, wag lang gastusin sa lalaki o bisyo Ng aking nanay Ang aking Pera erased agad Ang sama Ng loob, aba mahirap Ang walang Ina kahit gaano pa Yan kalaki para sakin lang Yan ha. kaya tuloy nakakahiya ngayong lumapit sa mga anak, nakakatakot ang mentalidad Ng kabataan, so sad.”
View this post on Instagram
“Mas mabuti yan Angelica, malakas ka pa at maabilidad. Maghanapbuhay ka, your children will be proud of you. Let Carlos build a life of his own, be proud of him too.”
“Goodnews ! Madeskarte talaga c mother Dahil sa pagsakay mo sa moment ng anak mo lumago ang iyong negosyo. Goodluck and Godbless.”
“Go nanay angge… Wala makakatalo sa sakripisyo ng isang ina sa anak.”
“Ginawang marketing strategy yung anak na sinira para sya umangat. I can’t believe a mother would do that. all she needed to do honestly Kung gusto nya makipag ayos eh kausapin si caloy in private simula nung una palang pero hindi nagpaprescon na parang sya yung nanalo. ang sama nyang nanay. pwede naman maglabas ng sama ng loob pero bakit sa buong mundo? bakit hindi within the family? kasi gusto niya siya umangat, oh ayan diba masaya nanaman mga pinoy kasi may umangat na tao dahil ibinaba nya ung isa. typical puro talangka dito.”
“Tayo ka ng Paresan at Longanisa Restaurant madam Angelica..maka compete ka na kay Diwata sigurado..pa picture din kami sa Best na Nanay ng Atletang Pilipino.”
“Pambihira yung taong matitiis ang pamilya lalo ang magulang lalo sa financial aspect,ako nga kumita lng ako khit konti ang naiisip ko na nanay ko khit 500 o 1k bnibgyan ko kpag mlaki knita ko hangang 20k bigay ako puera pa kpag ngkasakit ngacocotri. kming mgkakapatid para lng maipagamot!”
“Tama yan, para pakita mo sa anak mo na c caloy na kaya mong itayo ang mga paa mo na wala ang kanyang pera, at hnde nyo kailangan ang pera ni caloy. At ipakita mo sa mga madlang pepol na mali ang mga alam nila.”
“Para saakin. walang carlos yulo kung walang angelica..kung hnd nkapili ung anak s naging magulang nya..hnd dn nman inakala ng magulang n ganun ang kkahinatnan ng kanilang anak..
kya kung anunman ang gawin nla s knilang buhay buhay..ipaubaya n ntin s knila…besides tulad ntin..gusto rin lng nman ntin mabuhay..hbang binibiyyaan p tau n AMA s langit upang manatili d2 s ibabaw ng mundo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.