Sarah Lahbati may bagong lovelife?

Sarah Lahbati spotted na may kasamang afam sa HK, may bagong lovelife?

Pauline del Rosario |April 01,2024
facebook
share this

Sarah Lahbati spotted na may kasamang afam sa HK, may bagong lovelife?

Pauline del Rosario - April 01, 2024 - 10:57 AM

Sarah Lahbati spotted na may kasamang afam sa HK, may bagong lovelife?

PHOTOS: Instagram/@sarahlahbati, screengrab from YouTube/Ogie Diaz Showbiz Update

MAY bagong chismax ang showbiz insider na si Ogie Diaz patungkol sa aktres na si Sarah Lahbati.

Ayon kay Ogie, spotted na may kasamang lalaki si Sarah sa isang restaurant sa Hong Kong.

Ang mga litrato na nakuha ng talent manager-vlogger ay ipinadala raw sa kanya ng isang fan at tagasubaybay ng kanyang “Showbiz Update” vlog.

“May balitang Hong Kong tayo. May nagpasa lang ng mga litrato sakin kasi may kababayan tayo doon na sobrang avid [fan] at viewer nitong ating Showbiz Update,” panimula niya sa latest YouTube video kasama si Mama Loi.

Kwento niya, “Nakasabay daw niya sa restaurant sa Hong Kong si Sarah Lahbati. Nasa kabilang table si Sarah at may kasamang lalaki si Sarah.”

Baka Bet Mo: Tatay ni Sarah Lahbati tinira ang nagbabayad para magpakalat ng fake news

Sinabi rin ni Ogie na nais sanang magpa-picture ng kanyang source sa aktres, pero nahiya raw ito dahil kumakain na sila ng kasamang afam.

Kaya ang ginawa raw ay pinicturean nalang ng nasabing fan si Sarah sa kabilang table.

Tanong naman ni Mama Loi, “Sino ‘yung kasamang lalaki?”

“Aba’y hindi natin alam,” sagot sa kanya ni Ogie.

Patuloy niya, “Hindi natin alam kung ito ba ay bagong manliligaw ni Sarah or baka naman kamag-anak ni Sarah.”

Chika pa ng talent manager, “Eh kasi daw parang natapunan ng something ‘yung lalaki, pinunasan ni Sarah.”

Natanong din daw ni Ogie sa kanyang source kung kasama rin ni Sarah ang dalawang anak nila ng dating mister na si Richard Gutierrez.

Ang sagot daw sa kanya, “Ay hindi po, silang dalawa lang.”

Humirit naman si Mama Loi at sinabing keri namang magkaroon ng bagong lovelife si Sarah kung sakali dahil kumpirmadong hiwalay na sila ng asawa at kasalukuyan nang pinoproseso ang annulment ng dalawa.

Sumang-ayon si Ogie sa sinabi ng kanyang kasama at sabay sabing, “Pero hintayin pa rin natin kasi mahirap na. Ayan nanaman tayo magmamahadera tayo, mangunguna nanaman tayo.”

“Hintayin natin. Malay mo, may sasabihin si Sarah sa pictures na ‘yan,” giit ng vlogger.

“Anyway, tahimik naman na ‘yung dalawang kampo,” ani ni Ogie.

Pagsabat naman ni Mama Loi, “Yes. Ang importante, happy na silang dalawa kahit hindi na silang magkasama.”

“At siyempre, ‘yung kanilang co-parenting sa kanilang mga anak,” tugon naman ni Ogie.

Noong nakaraang buwan lamang nang kumpirmahin ni Sarah na single na siya ngayon at hiwalay na sila ng asawang si Richard.

Magugunitang inamin rin ng aktres sa panayam naman with MJ Marfori na hindi na sila nag-uusap ng dating mister.

Bukod pa rito, nauna nang ibinandera ni Sarah sa Instagram na humiwalay na siya ng bahay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang unang kumalat ang chikang tila break na ang celebrity couple matapos mapansin ng mga netizens na hindi na madalas mag-post ng pictures ang dalawa.

Mas tumindi pa ang chika nang magkahiwalay na mag-post sina Sarah at Richard ng bonding nila noong Halloween.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending