Niña Jose sa viral 'amoy maasim' comment: Nagpakatotoo lang!

Niña Jose sa viral ‘amoy maasim’ comment: Nagpakatotoo lang!

Reggee Bonoan |March 25,2024
facebook
share this

Niña Jose sa viral ‘amoy maasim’ comment: Nagpakatotoo lang!

Reggee Bonoan - March 25, 2024 - 05:32 PM

Niña Jose matapos ma-bash sa 'amoy maasim' comment: Nagpakatotoo lang!

Niña Jose

ITINANGGI ni Mayor Niña Jose ng Bayambang, Pangasinan na tao ang pinatutungkulan niyang “maasim ang amoy” sa kanyang viral video.

Ang mikroponong ginamit daw niya sa naganap na flag ceremony sa kanilang probinsya kung saan nagsalita siya sa harap ng kanyang constituents, ang totoong mabaho ang amoy.

Base sa panayam ng “Showbiz Update” host na si Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Tita Jegs kay Mayor Niña ay hindi raw tao o ang huling gumamit ng mikropono ang sinabihan niyang may maasim na amoy o bad breath kundi nakulob raw kasi ito sa lagayan.

“Na-viral ang kanyang pag-akyat sa podium at pagsasalita at ‘yung kanyang paghahanap ng mic na mabango,” simula ni Ogie.

Ipinakita ang video ni Mayor Niña kung ano ang eksaktong sinabi niya, “Poka can I change the mic there’s bad breath here, sorry mabaho talaga ‘yung mic, sorry I can’t…it’s amoy maasim (sabay abot sa staff).”

Baka Bet Mo: Hugot ni Michelle Dee matapos malaglag sa Top 5 ng Miss Universe 2023: ‘Sayang hindi ako nakahawak ng mic’

Sabay tanong ni Ogie kung anong masasabi ni Mama Loi sa sinabi ng alkalde na idinaan naman nito sa biro, hindi pa raw niya na-experience ang amoy ng utot ng una na lagi niyang ginagawa sa tuwing may taping sila ng “Showbiz Update.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niña Jose Quiambao (@therealninajosequiambao)


Ibig sabihin ni Mama Loi ay mas matindi ang amoy ng utot ni Ogie kung ikukumpara sa amoy maasim o bad breath ng mic na ginamit ni Mayora.

Natawa naman si Ogie sa sinabi ng co-host at sabay sabing, “Can we move on?”

Dagdag pa ni Mama Loi, “Parang walang-wala naman ‘yang microphone sa na-experience ni Jegs do’n sa likod (kung saan sumentro ang pagpapalabas ni Ogie ng mabahong amoy).

Baka Bet Mo: Sikat na male star gwapo at maporma pero napakabaho kapag pinawisan: Buti hindi siya iniiwan ng dyowa niya!?

“Anyway, sa mga hindi nakakakilala kay Niña Jose, dati siyang PBB (Teen Edition 1 noong 2006) tapos parang nakasama ko siya sa Mutya (drama series noong 2011) tapos napangasawa niya ang dating mayor ng Bayambang, Pangasinan na isa ring negosyante na si Mayor Cezar (Quiambao).

“E, nagsasalita siya (Niña), siyempre bago siya nagsalita may naamoy siyang something kaya naman nag-react din ang mga netizens sa naging behaviour o attitude niya,” saad ni Ogie.

At isa-isang binasa ni Mama Loi ang mga bira kay Mayor Niña na sana naging discreet siya nang papalitan niya ang mic at hindi na kailangang ianunsyo pa.

“So, si Niña ay nagpakatotoo kung ano ‘yung naamoy niya sinabi niya na mabaho ‘yung mic, bad breath ‘yung mic at baka magka-halitosis siya. Sa palagay n’yo kaya kung ‘yan ay ibinulong ni Niña sa kanyang staff, maba-viral ba ‘yan?  Kaya ang netizens nagko-comment ng ganyan kasi nga na-viral,” katwiran ni Ogie.

Dagdag pa, “Siyempre dapat handa rin si Niña kung anuman ang magiging tugon o judgment sa kanya ng mga tao, ‘yung iba naman ay naaliw lang sa kanila. So, iba-iba at sari-sari talaga ang mga opinion.”

Kaya hiningan ni Ogie ng reaksyon si Mayor Niña tungkol sa isyung ito, “Kausap ko nga si Mayora over the phone at sabi nga niya na sobra siyang bina-bash ng ilang netizens, ‘e, nagpaka-totoo lang naman ako.’

“‘In-ask ko ‘yung staff ko na palitan ‘yung mic kasi ‘yung mga mic na ‘yun parang nakulob. Wala naman daw ibang gumamit, nakulob lang kaya medyo nag-iba ‘yung amoy kaya umasim.’

“Ngayon kung na-offend man daw niya ‘yung microphone hihingi siya ng sorry sa microphone kasi ‘yun daw ang sinabihan niya,” kuwento ni Ogie.

Ang reaksyon na lang ni Mama Loi, “Ha?”

Nabanggit pang wala na raw magagawa si Mayor Niña sa nangyari at maraming humihingi sa kanyang panig pero  pinayuhan daw siya ng asawang si Mayor Cezar na huwag na lang sumagot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero kay Ogie lang pumayag si Mayor Niña na magpa-interview, “Dapat pag pulitiko iba ang behaviour mo, dapat naaayon sa nakararami kaya lesson learned na rin ‘yan kay Niña Jose na sa susunod na hihingi siya ng kapalit ay tawagin niya (staff), ‘Poka halika…” sambit ng host.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending