Niña Jose siniraan ang pagkatao; handang mag-sorry sa ‘mikropono’
NAGPALIWANAG si Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao matapos umani ng batikos dahil sa kanyang viral video sa social media.
Naging hot topic ng mga netizens ang pagpuna ng alkalde at dating aktres sa hawak niyang mikropono na aniya’y mabaho.
Sa kumalat na video, mapapanood na nasa stage si Mayor Niña para magbigay ng speech sa harap ng kanyang constituents. Pero pinapalitan nga niya ang hawak na microphone.
“Can I change the mic? There’s bad breath here. Sorry mabaho talaga ‘yung mic. Sorry. I can’t. Mabaho. It’s amoy maasim,” ang natatawang sabi ni Nina.
Baka Bet Mo: Hugot ni Michelle Dee matapos malaglag sa Top 5 ng Miss Universe 2023: ‘Sayang hindi ako nakahawak ng mic’
Nang mapalitan na ang mic, nag-dialogue pa si Mayor Niña ng, “I don’t wanna have halitosis, you know.” Ang “halitosis” na tinutukoy ng dating aktres ay isang oral health problem na kung saan ang main symptom ay ang mabahong hininga.
Sa kanyang Facebook account, nag-post si Mayor Niña ng mahabang mensahe para ipaliwanag kung ano talaga ang nangyari during her speech. Ibinahagi niya rin ang buong video para mapanood ng lahat ang insidente.
“Blessed Palm Sunday!
“Narito ang buong video ng aking speech noong nakaraang Flag Ceremony, which was maliciously edited by someone upang gawing katatawanan at siraan ang aking pagkatao.
“Dahil dito nais ko lamang sabihin ang mga sumusunod:
“1. Ang microphone ay hindi ginamit ng sinuman bago ko gamitin bagkus ito ay naitago ng matagal kaya marahil nag-cause ng hindi magandang amoy. Hindi ko iyon nasabi to malign or magpahiya ng tao.
“2. Kilala rin ako ng aking close friends at ng aking LGU family sa pagbibitaw ng mga weird statements. That time talagang hindi maganda ang amoy ng microphone. If ever I have to apologize, I will apologize to the microphone because nasabi kong mabaho na ito.
“3. Sana kung sinuman ang nag-upload ng video na ito at ginamit upang kumita ng pera ay sana nakatulong ito sa iyo.
Alam nyo ba, minsan, iniisip ko ‘yung kasabihang ‘Let he who is without sin cast the first stone,'” ang pagpapaliwanag ni Niña.
Patuloy pa niya sa mga taong mapanghusga, “Sa panahon ngayon, madalas tayong mag-judge ng iba, pero nakalimutan natin minsan na wala tayong karapatang maghagis ng bato kung hindi natin kayang panindigan ang ating sariling kalinisan.
View this post on Instagram
“Kung tayo mismo ay may mga pagkakamali at hindi perpekto, paano natin masasabi na tama tayong manghusga ng iba? Dapat nating isaalang-alang ang ating sariling mga pagkukulang bago tayo manghusga ng kapwa.
“Sa gitna ng lahat ng mga pagsubok at hamon, sana ay maging gabay sa atin ang pangungusap na ito. Huwag tayong magmadali sa paghuhusga at palaging maging bukas ang ating puso at isipan sa pag-unawa sa kapwa.
“In everything that is happening right now, I am offering all my sufferings to Christ, if it means the whole world turns their back on me for Him, I would gladly take up that cross.
“Let’s spread love and understanding instead of judgment and hate. #NoToJudgment #SpreadLove,” ang buong pahayag ni Mayor Niña.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.