Bayambang Mayor Niña Jose viral matapos mabahuan sa mic

Bayambang Mayor Niña Jose viral matapos mabahuan sa mic: ‘It’s amoy maasim’

Pauline del Rosario |March 23,2024
facebook
share this

Bayambang Mayor Niña Jose viral matapos mabahuan sa mic: ‘It’s amoy maasim’

Pauline del Rosario - March 23, 2024 - 02:24 PM

Bayambang Mayor Niña Jose viral matapos mabahuan sa mic: ‘It’s amoy maasim’

PHOTO: Facebook/Mayor Niña Jose-Quiambao

VIRAL sa social media si Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao matapos hindi kayanin ang amoy ng ginamit niyang mikropono.

Sa kumakalat na video, mapapanood na nasa entablado ang alkalde at magsisimula na sana sa kanyang speech nang bigla niyang pinapalitan ang hawak na mic.

Sey niya sa stage, “Can I change the mic? There’s bad breath here.”

“Sorry mabaho talaga ‘yung mic. Sorry. I can’t. Mabaho. It’s amoy maasim,” patuloy niya habang natatawa at inaantay ang bagong mikropono.

Baka Bet Mo: Angeline nabiktima ng ‘mabahong hininga prank’ ng Beks Battalion: Nakakapraning! Akala ko putok!

Nang mapalitan na ito, ipinaliwanag ni Mayor Niña, “I don’t wanna have halitosis, you know.”

Para sa kaalaman ng marami, ang “halitosis” ay isang oral health problem na kung saan ang main symptom ay ang mabahong hininga.

@anthonferrer.83 Why naman ganon, Mayora? 🥲 #Bayambang #niñajosequiambao #quiambao #niñaarotaka ♬ original sound – Anthon_83

As of this writing, dalawang araw pa lang uploaded ang TikTok video at umaani na ito ng mahigit 6.3 million views.

Bukod diyan, mayroon na rin itong halos 257,000 likes, mahigit 16,000 shares at mahigit 8,000 comments.

At speaking of comments, halo-halo ang naging reaksyon ng netizens at narito ang mga nabasa namin:

“Sana sumenyas na lang siya na palitan ‘yung mic, hindi ‘yung in-announce pa niya.”

“She should have pretended that the mic is not functioning and whisper to the assistant the real reason.”

“‘Di naman ako against kay mayora, sino ba naman ang gustong gumamit ng mic na may amoy, pero sana kung ganyan pala siya kaselan, sana nag-inform na siya separate ng mic or no need to announce na lang.”

“Kahit naman akong hindi official, ayoko rin sa mabahong mic. Grabe naman kasi amoy talaga ng ibang mic.”

“She can address that in professional way [emoji] bakit ganito na mga government officials [broken heart emoji].”

Para sa mga hindi aware, si Mayor Niña ay dating artista bago sumabak sa mundo ng politika.

Nakilala siya sa showbiz nang sumali sa reality TV show na “Pinoy Big Brother” teen Edition Season 1” noong 2006.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ka-batch niya riyan sina Kim Chiu, Gerald Anderson at Matt Evans.

Taong 2017 naman nang ikinasal siya sa businessman at politician na si Cezar Quiambao.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending