Angeline nabiktima ng 'mabahong hininga prank' ng Beks Battalion: Nakakapraning! Akala ko putok! | Bandera

Angeline nabiktima ng ‘mabahong hininga prank’ ng Beks Battalion: Nakakapraning! Akala ko putok!

Ervin Santiago |July 26,2021
facebook
share this

Angeline nabiktima ng ‘mabahong hininga prank’ ng Beks Battalion: Nakakapraning! Akala ko putok!

Ervin Santiago - July 26, 2021 - 02:49 PM

TAWA kami nang tawa habang pinanonood ang “mabahong hininga prank” ng Beks Battalion sa Kapamilya actress-singer na si Angeline Quinto.

Nabiktima ng grupo na kinabibilangan ng mga komedyanteng sina Chad Kinis, MC at Lassy si Angeline nang bumisita sila sa bahay ng biriterang singer kamakailan.

Ang alam ni Angge, pumunta roon ang tatlong stand-up comedian para mag-voice lesson ngunit wala siyang kaalam-alam na may binabalak palang nakakalokang prank ang mga sa kanya.

Susubukin nila kung ano ang magiging reaksyon ng dalaga kapag naamoy ba ang mabahong hininga nila habang tinuturuang mag-vocalization at kumanta.

Sa latest vlog nga ng Beks Battalion, makikita ang pagbisita  nila sa bahay ni Angeline ngunit bago pa sila pumasok ay kung anu-ano na ang kanilang kinain na nag-iiwan ng mabahong amoy sa bibig tulad ng dilis at pusit.

“Kasi siyempre si Angeline alam naman natin na maganda ang boses, magaling na mang-aawit. Kaya tayo, hindi tayo masyadong biniyayaan ng magandang boses, magpapaturo tayo sa kanya,” ang pasakalyeng pahayag ni MC.

“Yun ang alam niya, na magpapaturo tayo sa kanya. Ang hindi niya alam, ipa-prank natin siya ngayon. At tatawagin natin itong mabahong hininga prank,” hirit  naman ni Chad Kinis.

Habang nagsasalita ang tatlong comedian sa harap ni Angeline (talagang ipinaaamoy ang kanilang bibig), kita sa facial expression ng singer na tila may “something” na nangyayari kasabay ng pagtatakip niya ng ilong.

Ngunit hindi naman nagpahalata si Angge na may naaamoy siyang mabaho at tuluy-tuloy lang ang pagtuturo niya sa Beks Battalion. Kaya ang feeling nila, walang epek ang pagkain nila ng dried dilis at pusit.

At para mas mapabaho pa ang kanilang hininga, naisipan nilang magpadikdik ng bawang at sibuyas sa kasamahan ni Angeline sa bahay.

Hanggang sa hindi na nga mapigilan ni Angeline ang kanyang naaamoy nang dumako na sila sa breathing exercise — nagkomento na siya sa hininga nina Lassy at Chad Kinis.

Dito na inamin ng mga komedyante na, “It’s a prank!” Tawa naman nang tawa ang grupo sa naging reaksyon ni Angge na talagang tiniis ang baho para lamang maturuang kumanta ang mga kaibigan.

Pero sey ni Angeline naloka raw talaga siya kung saan nanggagaling ang mabahong amoy, “Napa-praning na ako kakaisip. Sabi ko ‘Ako lang ba nakaaamoy nito?’”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Unang breath palang kyawti na. Akala ko nga sarili ko yung naaamoy ko, kala ko nga putok! E, di ba, ganu’n yung amoy ng sibuyas?” natatawa pang chika ni Angeline.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending