Buboy Villar barag na barag sa bashers matapos tanggalan ng mic ang matandang nagpasalamat sa TVJ, tinawag na bastos at walang respeto | Bandera

Buboy Villar barag na barag sa bashers matapos tanggalan ng mic ang matandang nagpasalamat sa TVJ, tinawag na bastos at walang respeto

Ervin Santiago |August 03,2023
facebook
share this

Buboy Villar barag na barag sa bashers matapos tanggalan ng mic ang matandang nagpasalamat sa TVJ, tinawag na bastos at walang respeto

Ervin Santiago - August 03, 2023 - 06:54 AM

Buboy Villar barag na barag sa bashers matapos tanggalan ng mic ang matandang nagpasalamat sa TVJ, tinawag na bastos at walang respeto

Buboy Villar at Isko Moreno

BUGBOG-SARADO na naman ang Kapuso TV host-comedian na si Buboy Villar sa mga bashers nang dahil sa isang video na viral na ngayon sa social media.

Kalat na kalat na ang isang video clip kung saan makikita ang pag-iinterbyu ni Buboy sa isang matandang babae para sa “G sa Gedli” segment ng “Eat Bulaga” sa GMA 7 nitong nagdaang Sabado, July 29.

Hindi nagustuhan ng mga netizens ang ginawa ng komedyante sa matanda pagkatapos nila itong bigyan ni Isko Moreno ng cash gift bilang bahagi ng kanilang selebrasyon para sa 44th anniversary ng “Eat Bulaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)


Mapapanood sa video ang pagsakay sa LRT-2 nina Isko at Buboy para doon mamigay ng pera sa mapipili nilang  commuters. Pagbaba nila sa Cubao station, napansin ni Buboy ang isang matandang babae na palabas ng tren.

Inabutan ito ni Buboy ng P1,000 at ininterbyu, “Nanay, ano pong masasabi sa Eat Bulaga!?”

Tugon ni lola, “Ay naku, noon pa talagang Eat Bulaga! ako!” Kasunod nito ay niyakap ni Isko ang matanda at nagpasalamat sa pagsuporta sa kanilang programa.

Inilapit ni Buboy ang hawak niyang mikropono sa bibig ng matanda at sabi ng lola, “Salamat po, Tito, Vic at…”

Baka. Bet Mo: Buboy nagtatrabaho, nagsasakripisyo para sa mga anak na nasa US: Iba pa rin yung naaamoy at nayayakap mo sila

Biglang inilayo ni Buboy ang mic ngunit narinig pa rin ang pagbanggit niya sa pangalan ni “Joey.” Pagkatapos nito ay lumakad na ring papalayo ang matanda.

Kasunod nito, kumalat na ang video sa social media, partikular sa TikTok, kung saan nga pinutakti ng batikos si Buboy. Talagang tinawag nila itong bastos, walang respeto at kung anu-ano pang masasakit na salita.

May mga nagtanggol din naman kay Buboy na nagsabing wala silang nakikitang masama sa ginawa nito. Narito ang ilang comments na nabasa namin sa Instagram account ni Buboy.

“Grabe ka sa matandang bumaba lang ng tren tinanggalan mo ng microphone host ka buboy di ka na nahiya maraming taong nakapanuod Sa ginawa Mo sa matanda.”

“Bastos ka. Di mo deserve maging showbiz personality. Kahit alisan mo ng mic lahat ng taong binibigyan niyo ng papremyo, di niyo maaalis sakanila na ang eat Bulaga ay TVJ!!”

“Sobrang kapal ng muka mo boy wala kang respeto talaga eh noh sa legit EB tinaggalan mo pa ng mic kala mo may bilang ka sa EB tigas mo bok.”

“Napanuod ko ung kumalat na video na nagpasalamat ung nanay sa TVJ tas inalis mo bigla ung mic. Dami nabastusan sa ginawa mo. At isa na rin ako dun dahil dyan sa EB na yan masisira kana Buboy wrong move talaga na naghost Kapa dyan!!!!!!!!!!!!!!”

“Walang kang respeto sa matanda..bastos walang mudo, may nanay ka may lola ka diba pag ginawa sa kanila un ok lang siguro sayo.”

“Magkano binayad sa inyo para bastusin yung matandang nagpapasalamat?”

“Mas professional tlga mag handle Sila Jose like ung May nag mentioned about Willy Revillame sa sugod bahay nila Pra d mapahiya yung Tao ni lead nila n lng sa pagppatawa… d kgaya mo d mo b naisip nsa TV Ka ay sabagay 600 viewers lng pla kyo.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit ni Regine sa ‘baliktad na mic’ blooper: Minsan talaga ang life gagawa at gagawa ng paraan para ibagsak ka sa Earth, ‘no!?

Alex Gonzaga na-trauma raw nang sigaw-sigawan ng ‘matandang artista: She’s painting me as a bad guy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending