NAIA kumpirmadong may surot, may posibilidad na ‘imported’?
KINUMPIRMA ng Manila International Airport Authority (MIAA) na nakatanggap sila ng mga reklamo ukol sa mga surot na matatagpuan sa mga upuan sa NAIA airport terminals.
Nitong Miyerkules ng gabi, February 28, naglabas ng opisyal na pahayag ang MIAA ukol sa insidente sa pamamagitan ng kanilang Facebook page.
Humingi naman ang ahensya ng paumanhin sa lahat ng mga taong naapektuhan ng sitwasyon sa mga terminal ng NAIA.
Nangako naman ang MIAA na iimbestigahan nila ang pangyayari.
“Reports have reached the Manila International Airport Authority (MIAA) about social media posts of certain people who claim to have been bitten by bed bugs in Naia Terminals 2 and 3.
“MIAA General Manager Eric Ines immediately ordered the Terminal Managers to look into the matter and provide him with a report within 24 hours stating the circumstances surrounding the incidents and their recommended corrective actions to put an end to this problem.”
Baka Bet Mo: NAIA security officer sinabing tsokolate raw ang nilunok at hindi $300, OTS investigation team hindi naniniwala
Ayon naman sa report ni Mariz Umali sa “24 Oras” nitong Huwebes, February 29, matinding disinfection na ang ginawa sa mga upuan sa NAIA na pinapamahayan ng mga surot.
Ito ay para tugunan na ang rumarami pang reklamo ng mga pasahero ukol sa mga surot.
Ayon naman sa NAIA Terminal 3 Pest Control Services Operations Supervisor Mike Buño, may posibilidad na galing sa ibang bansa ang mga surot dahil sa size ng mga ito.
“Compared po doon sa mga surot na meron tayo rito, mas malalaki po siya. Kalimitan po, for example, dun [nanggagaling] po sa mga bagahe or dun sa mga pumapasok sa atin bagahe or gamit na dala galing ibang bansa papasok sa terminal,” pagbabahagi ni Buño.
Nagsasagawa raw ng deep disinfection sa mga upuan sa NAIA quarterly na tumatagal ng tatlong araw ang proseso ngunit pag-amin niya, hindi kasamang namamatay ang itlog ng insekto sa deep disinfection.
“Kalimitan sa treatment na ginagawa natin ang namamatay lang po is yung mga adult, so yung itlog po hindi naman kayang patayin ng chemical kaya tayo nagko-conduct ng quarterly treatment,” sey pa ni Buño.
Samantala, nagtataka naman ang MIAA General Manager na si Eric Ines, dahil pati ang mga steel chairs ay pinamumugaran ng surot.
“How can that be particularly that these chairs are made of steel? We’re not going to make excuses, but I saw the chairs. How can a bug stay there unless somebody brought [it] there? I’m not saying hindi puwede mangyari, it can happen,” aniya.
Samantala, hinihintay pa ng pamunuan ng NAIA ang rekomendasyon kung kailangan pa ng susunod na hakbang sa ginawang disinfection.
Nakahanda rin daw ang ahensya na sagutin ang mga gastos sa pagpapagamot ng mga biktima.
“We would like to apologize for the inconvenience. We would like to assure the public that every time they come over here, we would see to it that everything is okay,” saad ni Ines.
Tatanggalin na rin ang mga upuang rattan na pinapamahayan ng mga insekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.