Celebrities na nagmahal at nauwi sa bonggang kasalan

#Pasabog2023: Celebrities na nagmahal at nauwi sa bonggang kasalan

Pauline del Rosario |December 24,2023
facebook
share this

#Pasabog2023: Celebrities na nagmahal at nauwi sa bonggang kasalan

Pauline del Rosario - December 24, 2023 - 07:30 AM

#Pasabog2023: Celebrities na nagmahal at nauwi sa bonggang kasalan

Celebrities married in 2023

ALAM niyo bang napakaraming celebrities at personalities ang ikinasal ngayong 2023?

Heto at isa-isahin natin kung sino-sino nga ba ang mga naglakad sa altar upang ibandera ang kanilang matinding pagmamahalan, at nagpasyang magsama habang-buhay.

Marc Logan

Makalipas ang halos dalawang dekadang pagsasama, ikinasal ang Kapamilya broadcaster na si Marc Logan sa  kanyang longtime partner na si Lois Diego.

Ginanap ang wedding ng dalawa sa St. James the Great Parish sa Ayala, Alabang noong January 10.

Sina Marc at Lois ay mayroon nang anak na sina Coleen at Marc.

Matatandaan noong dekada nobenta nang nag-umpisang makilala si Marc dahil sa nakakatuwang segment niya sa daily newscast na “TV Patrol.”

Baka Bet Mo: Kim Chiu maraming natutunan sa nagdaang 2022: ‘Thankful for just being ALIVE and experiencing all these beautiful moments’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristin Karen Davila (@iamkarendavila)

Vin Abrenica, Sophie Albert

January 25 nang ikinasal ang celebrity couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert makalipas ang sampung taong pagsasama bilang life partners.

Bukod sa 1-year-old daughter nila na si Avianna, makikita sa mga ibinanderang litrato na dinaluhan ito ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.

Ang pagpapalitan ng “I do” ng celebrity parents ay naganap makalipas ang dalawang taon ng kanilang engagement. 

Nag-propose si Vin kay Sophie noong December, 2020.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sophie Albert 🌸 (@itssophiealbert)

Glaiza de Castro

Sa ikalawang pagkakataon, muling ikinasal ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa Irish husband na si David Rainey.

Naganap ang second wedding ng dalawa sa Sundowners Beach Villas sa Botolan, Zambales noong January 23.

Unang nagpakasal ang mag-asawa sa isang intimate ceremony sa Northern Ireland noong October, 2021.

Talagang plano na ng married couple na magkaroon ng second wedding sa Pilipinas dahil hindi nga naka-attend ang pamilya ng aktres sa kanyang Ireland wedding.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)

Michael V.

Muling pinatibay ang pagmamahalan ng comedian-actor na si Michael V. at ng kanyang misis na si Carol Bunagan noong February 9.

Ikinasal kasi ulit ang mag-asawa sa harap ng simbahan kasabay ng pagdiriwang ng kanilang 25th wedding anniversary.

Matatandaan noong 1994 nang unang ikinasal sina Bitoy at Carol sa pamamagitan ng isang civil ceremony.

Nagkaroon din sila ng church wedding noong 1998.

Noong 2019 ay ikinasal din sila bilang pagdiriwang ng 25th civil wedding anniversary.

May apat silang anak na sina Yanni, Milo, Migo at Maypaul.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)

Miguel Benjamin Guico

February 10 nang ikinasal naman ang vocalist-guitarist ng bandang Ben&Ben na si Miguel Benjamin Guico sa kanyang girlfriend na si Karelle Bulan.

Matatandaan noong 2021, chinika ni Miguel sa kanyang interview sa “Tunay Na Buhay” ang ilang detalye sa kaniyang relasyon.

During that time raw ay nasa long distance relationship sila ni Karelle dahil medical student ang huli.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miguel Benjamin (@miguelbenjamin_)

Alodia Gosiengfiao

Sa mismong Araw ng mga Puso naganap ang wedding ng cosplayer na si Alodia Gosiengfiao sa kanyang partner na si Christopher Quimbo.

Nangyari ang seremonya sa Marriott Grand Ballroom, Pasay City.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang napangasawa ng online gamer ay  president at general manager ng Calabria Company Limited, ang gumagawa ng Novellino wine.

Matatandaan noong July 2022 nang inanunsyo nina Alodia at Chris ang kanilang engagement na ikinagulat ng kanyang supporters.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alodia Quimbo (@alodia)

Ejay Falcon, Jana Roxas

Star-studded ang bonggang kasal nina Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon at Jana Roxas noong March 25.

Ginanap ang garden wedding ng celebrity couple sa Enderun Tent, McKinley Hill sa Taguig City. 

Pitong taon ding naging magkarelasyon ang dalawa bago nagpakasal.

Isa sa naging highlight ng garden wedding ng bagong kasal ay ang kanilang “kissing scene” na tumagal ng 10 segundo  habang tumutugtog ang kantang “Till I Met You.”

Ang batikang singer na si  Jed Madela ang nagsilbing wedding singer sa naganap na kasalan.

Kabilang sa mga tumayong ninang at ninong ang mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde.  

Kasama rin sa entourage ang mga aktor na sina Aljur Abrenica, Jake Cuenca at Joseph Marco.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)

Pia Wurtzbach

Ginulat ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang madlang pipol matapos ibahagi ang wedding photos nila social media noong May 5.

Proud na ibinandera ng beauty queen ang isang video na kuha mula sa kanilang beach wedding na ginanap sa Seychelles at ayon sa caption ay naganap ito noong March 24.

Matatandaang unang kinumpirma ng beauty queen ang kanyang relasyon kay Jeremy noong June 2020.

Makalipas ang halos dalawang taon, inihayag naman ni Pia ang kanilang engagement noong May 2022.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Jauncey (@piawurtzbach)

Kathleen Hermosa

Super happy at feeling nasa Cloud 9 ang aktres na si Kathleen Hermosa nang ikinasal siya sa non-showbiz partner at banker na si Miko Santos.

Ginanap ang intimate garden wedding ng dalawa sa Cebu noong June 8 na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends.

Ang kanyang kapatid na aktres na si Kristine hermosa ang nagsilbing matron of honor.

Present din sa kasalan sina Pauleen Luna, Danica Sotto, at Ara Mina na isa sa mga naging bridesmaids.

Nandoon din ang anak nina Pauleen at Vic Sotto na si Tali na rumampa rin bilang isa sa mga flower girl.

Dating ikinasal si Kathleen kay Martin Imperial pero noong April 2021 ay kinumpirma niyang single na uli siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathleen Hermosa – Santos (@kathermosa)

Maine Mendoza, Arjo Atayde

Matapos nga ang halos apat na taong pagiging magkasintahan ay finally ganap nang mag-asawa ang celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Alphaland Baguio Mountain Lodges noong July 28.

Unang nagkakilala ang couple nang magsama sila para sa Metro Manila Film Fest 2018 na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles.”

March 2019 nang unang aminin nina Maine at Arjo ang kanilang relasyon sa publiko. 

Ngunit bago pa ito ay crush na ni Meng si Arjo at patunay nga ang kanyang “Arjo cutie” tweet na nag-viral at madalas gamitin ng mga netizens sa tuwing magma-manifest sila online.

July 2022 nga nang ma-engage ang dalawa sa isang beach resort sa Batangas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza Atayde (@mainedcm)

Nathalie Hart

MATAPOS ang pag-iisang dibdib nina Maine at Arjo, ikinasal na rin ang sexy actress na si Nathalie Hart sa kanyang Australian partner na si Brad Robert.

Mismong si Nathalie ang nag-post ng ilang litrato ng mga kaganapan ng kanilang intimate wedding na nangyari sa Sydney, Australia noong July 31.

Burado na ang mga ipinost niya sa Instagram, pero inamin ng aktres sa naturang caption na hindi siya makapaniwalang na isa na siyang married woman.

Naunang ikinuwento ng aktres na nagkakilala at nagkausap sila ng mister through online noong October 2021, at nagdesisyong magkita two months later in December 2021 hanggang sa maging magdyowa na nga.

Makalipas ang anim na buwang relasyon, nag-propose na si Brad kay Nathalie noong August 2022 sa isang French restaurant sa Makati.

Maja Salvador

Kasabay ng wedding ni Nathalie ay nagpalitan din ng “I do” ang celebrity couple na sina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa kanilang bonggang-bonggang wedding sa Bali, Indonesia.

Kahit nasa ibang bansa ang venue, super star-studded ang mga nakadalo sa kasal nila.

Present sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, John Lloyd Cruz, Joshua Garcia, Janella Salvador, Kakai Bautista, at ang bagong kasal ding sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Naroon din ang celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, MJ Lastimosa, Pooh, Laureen Uy, Miles Ocampo, ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen, at marami pang iba.

Matatandaang ibinandera nina Maja at Rambo ang kanilang engagement noong April 2022 sa pamamagitan ng Instagram.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Lovi Poe

This year din ikinasal ang aktres na si Lovi Poe at ang partner niyang si Monty Blencowe.

Nangyari ang kanilang garden wedding sa Cliveden House, Berkshire, England noong August 26.

Ang nasabing famous hotel with 47 rooms ang naging tirahan ni Lovi kasama ang kanyang mga bisita na dumating galing Pilipinas bago ang takdang araw ng kasal.

Limang taong tumagal ang relasyon nina Lovi at Monty.

Three years din silang engaged bago sila tuluyang lumagay sa tahimik.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

LJ Reyes

Glowing at obvious na super happy ang award-winning Kapuso actress na si LJ Reyes sa piling ng kanyang non-showbiz partner na si Philip Evangelista.

Naganap ang intimate garden wedding ng dalawa sa The Bevin House, New York City noong October 7 (US Time).

Tanging pamilya, malalapit na kamag-anak at kaibigan lamang ang imbitado sa wedding nina LJ at Philip.

Ang mga hindi naman daw naka-attend nang personal na mga family members ay nanood lamang via live streaming.

Wala rin daw halos rumampa bilang bahagi ng entourage sa naganap na wedding.

Ang nakasama lamang na naglakad ay ang anak ni LJ na si Summer bilang flower girl, na sinundan ng panganay niyang si Aki, at ang anak na si Phil sa una nitong nakarelasyon.

Magugunita noong May 2023 nang ibinandera ni LJ sa sa social media ang ilang litrato na kuha sa ginawang proposal ni Philip sa isang beach resort.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Maxine Medina

DALAWANG beses ikinasal sa taong ito ang Kapuso actress at dating beauty queen na si Maxine Medina sa kanyang diving instructor partner na si Timmy Llana.

Ang una ay noong October 3 sa  Immaculate Heart of Mary Church sa Antipolo City.

Ayon sa mga ulat, very intimate ang church wedding ng couple na dinaluhan lamang ng kanilang mga pamilya at ilang malalapit na kamag-anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumunod diyan ay ang bonggang beach wedding ng dalawa na nangyari sa Club Paradise sa Palawan noong October 10.

Kung matatandaan, taong 2018 pa naging magdyowa sina Maxine at Timmy bago ma-engage noong 2022.

Naganap ang romantic wedding proposal ni Timmy habang nagbabakasyon sila sa Club Paradise resort sa Coron, Palawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maria Mika Maxine Medina – Llana (@maxine_medina)

Jomari Yllana, Abby Viduya

Isa pang celebirty couple na naging mag-asawa bago matapos ang taon ay sina Parañaque 1st District Councilor Jomari Yllana at Abby Viduya.

Naganap ang wedding ng couple sa “A Little White Chapel” sa Las Vegas, Nevada noong November 5.

Ang nasabing venue ay sikat na sikat sa Amerika kung saan din nagpakasal ang ilang Hollywood celebrities, kabilang na riyan sina Ben Affleck at Jennifer Lopez.

Bukod sa intimate wedding nina Abby at Jomari sa Amerika, muli silang magpapakasal sa 2024 o early 2025 dito sa Pilipinas.

Last August 20 nang ibinalita ni Abby sa social media na nag-propose na sa kanya si Jomari sa Hong Kong. 

At noong February 26 naman ay namanhikan si Jomari sa bahay nina Abby sa Parañaque.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Venus Raj

Halos dalawang linggo bago ang Pasko, nagkaroon ng major, major wedding si Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj!

Sa katunayan nga, nakakuha kami ng ilang detalye sa isa sa malapit niyang kaibigan at nachika niya sa amin na ang kasal ay naganap sa Christ’s Commission Fellowship (CCF) Center sa Pasig City.

Magugunita noong December 20 nang inanunsyo niya sa social media na ikakasal na siya ngayong buwan.

Sorpresa niyang ibinandera ang masasayang litrato ng kanilang pre-nuptial photoshoot na kinunan sa isang beach sa Zambales.

Last time din ay nakachikahan namin si Venus at nasabi niya sa amin na this year nag-propose ang kanyang non-showbiz partner.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wishing Well Films | Wedding Videographer (@wishingwellph)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending