Ejay Falcon pinaiyak ang tatay habang nanunumpa bilang vice governor ng Oriental Mindoro | Bandera

Ejay Falcon pinaiyak ang tatay habang nanunumpa bilang vice governor ng Oriental Mindoro

Ervin Santiago |July 05,2022
facebook
share this

Ejay Falcon pinaiyak ang tatay habang nanunumpa bilang vice governor ng Oriental Mindoro

Ervin Santiago - July 05, 2022 - 07:47 AM

Ejay Falcon

NAPAIYAK ang adoptive father ng aktor na si Ejay Falcon habang nagbibigay ng kauna-unahan niyang speech bilang bagong-halal na Vice Governor ng Oriental Mindoro.

Binalikan ng Kapamilya star ang naging buhay niya noong sumali at itanghal na big winner sa “Pinoy Big Brother Teen Edition Plus” taong 2008.

Sa isang bahagi ng kanyang talumpati ay binigyang-pugay niya ang amang si Ernesto Falcon na aniya’y isa sa mga unang kumontra sa pagsali niya noon sa “PBB.”

“Isang pakiusap niya noong mga panahon na iyon na ayaw niya ako pumasok sa PBB dahil hindi niya alam ang PBB,” ayon kay Ejay sa naganap na oath-taking niya bilang public official noong June 28.
Pagpapatuloy niya, “Wala pang kuryento noon nung umalis ako. Walang kalsada. Wala pang signal ng cellphone.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ejay Falcon (@ejaythefalcon)


“Kinausap ko siya mabuti. Sabi ko, papasok ako sa PBB pero ang kondisyon nito kasama ka. Hindi po siya pumayag. Ayaw niya talaga,” lahad pa ng aktor.

Aniya pa, “Ilang linggong pakiusapan iyon hanggang napilit ko siya. Nung nakapasok siya sa PBB, mabait ang Diyos. Hindi lang ako ang pinanalo niya, big winner din siya.

“Maraming-maraming salamat po sa suporta niyo sa akin, sa pagpapalaki sa akin nang maayos, sa aking nanay at tatay,” emosyonal nang pahayag ni Ejay.

At habang nagsasalita nga ang bagong bise gobernador ng Oriental Mindoro ay naluha rin ang kanyang ama na nakaupo sa unang hanay ng mga bisitang dumalo sa panunumpa ng binata.

Mensahe pa ni Ejay, pansamantala muna niyang isasantabi ang showbiz para makapagsilbi sa bago niyang misyon sa buhay.

“Alam ko na pagpasok ko sa pulitika ay isang malaking desisyon, isang pagpapaalam na nung una talaga ay di ako pinayagan dahil alam nila na magiging magulo ang buhay pulitika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero sana ngayon ay maging proud kayo na nakatayo ako dito sa harapan, nakatayo at magsisilbi sa ating lalawigan,” sabi pa ng boyfriend ng hindi na gaanong aktibong aktres at “StarStruck Season 3” Avenger na si Jana Roxas.

Ejay Falcon inalala ang pagiging kargador sa Mindoro; tuloy na ang pagtakbo sa 2022?

Julia, Coco muling magtatambal sa pelikula; magsu-shooting na sa Oriental Mindoro

Cavite Governor Jonvic Remulla at Manila Mayor Isko Moreno, bati na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending