Maja Salvador ‘excited’ nang ikasal ngayong Hulyo

Maja Salvador ‘excited’ nang ikasal ngayong Hulyo, blooming sa bride-to-be photos

Pauline del Rosario |July 02,2023
facebook
share this

Maja Salvador ‘excited’ nang ikasal ngayong Hulyo, blooming sa bride-to-be photos

Pauline del Rosario - July 02, 2023 - 05:27 PM

Maja Salvador ‘excited’ nang ikasal ngayong Hulyo, blooming sa bride-to-be photos

PHOTO: Instagram/@maja

EXCITED na sinalubong ng aktres na si Maja Salvador ang buwan ng Hulyo!

Wala pang eksaktong petsa kung kailan ang wedding nila ng fiancé na si Rambo Nuñez pero tila nagpahiwatig NA ang aktres na siya ay ikakasal na ngayong buwan, base na rin sa ibinandera niya sa Instagram.

Pagpatak ng araw ng July 1 ay nag-post si Maja ng kanyang litrato na naka-white dress at may suot pang belo na pangkasal.

Makikita rin ang malalaking letter balloons na nakadikit sa pader at nakasulat ang salitang “bride.”

Baka Bet Mo: Maja Salvador tipid pa rin sa pagse-share ng detalye sa ‘destination wedding’ nila ni Rambo Nuñez; binansagang ‘Queen of All Networks’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Maraming kapwa artista naman ang napa-comment at tila nasasabik din sa inaaabangang kasal.

Komento ng aktres na si Sofia Pablo, “Waahhh congrats po ateeee!!! [smiling face with heart eyes emojis] loveee youuu!!! [pink heart emojis].”

“wooohooo go ate @maja [heart emoji],” pagbati ng aktor na si Mavy Legaspi.

Lahad naman ng actress-model na si Thia Thomalla, “Excited for you!![white heart emoji].”

Noong Abril lamang ay nagkaroon ng bachelorette party si Maja na kung saan ay dinaluhan ng ilan niyang malalapit na celebrity friends, tulad nina Maine Mendoza, Kathryn Bernando, Miles Ocampo, Precious Lara Quigaman, Kakai Bautista at Pooh.

Nitong Marso naman nang ipinagdiwang ng aktres at ni Rambo ang kanilang 4th anniversary bilang couple.

Taong 2022 nang inanunsyo ng dalawa ang kanilang wedding engagement.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lalaking taga-ibang bansa nag-propose kay Kylie Verzosa: I want to marry you, I love you very much!

Heaven Peralejo payag bang makatrabaho ang ex-dyowang si Jimuel Pacquiao?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending