Maja Salvador babu na sa 'Eat Bulaga', naghahanda para sa nalalapit na kasal | Bandera

Maja Salvador babu na sa ‘Eat Bulaga’, naghahanda para sa nalalapit na kasal

Therese Arceo |April 13,2023
facebook
share this

Maja Salvador babu na sa ‘Eat Bulaga’, naghahanda para sa nalalapit na kasal

Therese Arceo - April 13, 2023 - 11:23 PM

TULUYAN nang nagpaalam ang TV host-actress na si Maja Salvador sa longest running nootime show na “Eat Bulaga”.

Ngayong araw, April 13, naglabas ng official statement ang Crown Management Agency na siyang namamahala sa aktres ukol sa pamamahinga nito sa noontime program.

“Crown Artist Management would like to announce that with Maja Salvador’s upcoming wedding, and with all the uncertainties surrounding Eat Bulaga, she will be leaving the noontime show for the time being,” ayon sa pahayag ng CAM.

Anila, isa sa mga pangarap ng aktres na natupad ay ang maging bahagi ng Dabarkads ng “Eat Bulaga” ngunit dahil na rin sa mga nangyayari ay pansamantala muna itong magpapahinga. Naipaalam na rin ito sa management ng naturang programa.

“Becoming a Dabarkads in Eat Bulaga was a dream of Maja that came true one and a half years ago, but for now, we have to give it a pause.

“This decision was already communicated to their management, so we’re hoping for your utmost understanding.

Baka Bet Mo: Maja Salvador na-hurt sa joke ni Joey de Leon sa ‘Eat Bulaga’ tungkol sa prangkisa?

“Maja wishes Eat Bulaga, its hosts and staff, all the best!

“Maraming salamat Dabarkads!”

Hindi pa naman sigurado kung kailan ang final episode ni Maja sa “Eat Bulaga”.

Marami naman sa mga netizens ang nag-aabang kung tuluyan na ring magpapaalam ang kanyang kaibigan na si Maine Mendoza sa programa.

Aware naman ang lahat na tulad ni Maja, abala rin si Maine ngayon sa pag-aasikaso ng kanyang nalalapit na kasal sa actor-politician na si Cong. Arjo Atayde.

Nakatakda rin kasing magpakasal si Maine sa buwang ng Hulyo kaya naman usap-usapan kung maging siya ay aalis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang noong February 2023 nang ibandera ni Maja sa “Fast Talk With Boy Abunda” na all-set na ang kasal nila ng fiancee na si Rambo Nuñez Ortega ngayong July 2023.

Related Chika:
Kasalang Maja Salvador-Rambo Nuñez tuloy na tuloy na sa July

Maja Salvador ibinandera ang bagong milestone, binigyan ng ‘star’ sa Eastwood City Walk of Fame

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending