Maja Salvador na-hurt sa joke ni Joey de Leon sa 'Eat Bulaga' tungkol sa prangkisa? | Bandera

Maja Salvador na-hurt sa joke ni Joey de Leon sa ‘Eat Bulaga’ tungkol sa prangkisa?

Ervin Santiago |March 13,2023
facebook
share this

Maja Salvador na-hurt sa joke ni Joey de Leon sa ‘Eat Bulaga’ tungkol sa prangkisa?

Ervin Santiago - March 13, 2023 - 07:16 AM

Maja Salvador na-hurt sa joke ni Joey de Leon sa 'Eat Bulaga' tungkol sa prangkisa?

Joey de Leon at Maja Salvador

NA-BASH na naman nang bonggang-bongga ang veteran TV host-comedian na si Joey de Leon dahil sa umano’y pang-aasar nito sa ABS-CBN.

Maraming netizens ang nabwisit kay Joey sa ginawa raw nitong patutsada sa Kapamilya Network sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” last March 8.

Kitang-kita raw ang naging reaksyon ng isa nilang co-host sa noontime show na si Maja Salvador nang mag-joke si Joey tungkol sa isyu ng prangkisa.

Wala namang binanggit na TV station ang tinaguriang Henyo Master pero naniniwala ang mga netizens na ang kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN ang tinutukoy nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)


Sa nasabing episode ng “Bawal Judgmental” ay napag-usapan ang tungkol sa historical franchise ng Miss International Queen pageant kung saan naging kandidata ang mga choices na professional Trans Beauty Queens.

Dito ipaliwanag ng CEO at National Director ng Miss International Queen Philippines na sila ang may kauna-unahang prangkisa sa naturang pageant na para sa mga transgender.

Kasunod nito ay nag-dialogue nga si Joey ng, “Buti pa kayo may prangkisa.” Nagtawanan ang mga tao sa APT Studio dahil sa  pagpaparinig ng TV host.

Baka Bet Mo: Vice sa mga anti-Leni: Wala na ho kaming inaasahang prangkisa, dahil ‘yung dati naming prangkisa, may nagmamay-ari nang iba

Marami naman ang napansin na tila hindi nagustuhan ni Maja ang biro ni Joey na ilang dekada ring nagtrabaho sa Kapamilya station. Mukhang na-hurt daw ang aktres sa biro ng beteranong komedyante.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens sa joke ni Joey.

“Hindi ginagawang biro o katatawanan ang pagkawala ng trabaho ng 11,000 empleyado. Ang pagkawala ng prangkisa ay pagkawala din ng hanapbuhay.”

“Naawa Naman ako para Kay Maja at sa mga nawalan ng trabaho na Hindi pa nakakakita ng bagong trabaho.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)


“Ang bait ni Maja kahit na dabarkads na Siya iniisip niya parin mga kapamilya pinapakita niya parin pagiging loyal niya at pag tanaw niya nang utang na loob.”

“Bastos tlga si Joey!! Kasukang pag uugali. gagii hindi nakaka tawa yan sa 11,000 nawalang ng work.”

“Bastos ang matandang to, wala na pinagkatandaan! buwct. dapat lang mawala yan EB, never naman kame nanonood nyan.”

“Kaya deserve din tlaga mawala ang TVJ sa EB. Lalo na si joey kupal patama dito, patama doon. Bigyan ng Pepsi yan!”

“Walang parin emphathy, tumanda nalang ganon parin. Lalo na sa sitwasyon nila ngaun. Yun bigla nalang din sila aalisan ng trabaho.”

Vice Ganda nilektyuran ni Arnell Ignacio tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey bumanat sa mga nagpapakalat ng fake news; suportado si Tito sa pagtakbo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending