Vice Ganda nilektyuran ni Arnell Ignacio tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN | Bandera

Vice Ganda nilektyuran ni Arnell Ignacio tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN

Ervin Santiago - April 30, 2022 - 07:57 AM

Arnell Ignacio at Vice Ganda

ISA-ISANG nilinaw at ipinaliwanag ng TV host-comedian na si Arnell Ignacio ang naging pahayag ni Vice Ganda tungkol sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

Matapang kasing nagsalita si Vice sa isang episode ng “It’s Showtime” sa Kapamilya Network laban sa mga taong nagsasabi na kaya lang daw nila sinusuportahan ang kandidatura sa pagkapangulo ni Vice President Leni Robredo ay para maibalik na ang franchise to operate ng ABS-CBN.

Last Wednesday, sa live episode nga ng Kapamilya noontime show, tinawag ng komedyante na mga “shungang troll” ang nagsasabing naghahabol pa rin sila hanggang ngayon sa prangkisa ng Channel 2.

“Linawin lang natin, ha? Kasi, di ba, maraming nagsasabi na ‘Itong mga artistang ‘to, may mga ginagawa sila dahil ang tanging pakay nila ay para maibalik ang prangkisa.’

“Para lang sa kaalaman ng nakararami, wala na ho kaming inaasahang prangkisa dahil yung dati naming prangkisa, meron na hong nagmamay-ari nun, ha?

“Wala na po kaming hinahabol na dating prangkisa dahil ang prangkisa namin ay may nagmamay-ari na at pagmamay-arian nila ‘yan ng ilang dekada.

“Wala na pong mahahabol ang ABS-CBN. Wala na pong in-apply na franchise ang ABS-CBN, kaya wala po kaming hinahabol na franchise. So, malinaw ‘yan, ha?” pahayag ni Vice.

Dagdag pa niya, “Du’n sa mga shunga-shungahan na troll, hindi po, wala pa kaming hinahabol na franchise dahil may may-ari na ng prangkisa. Hindi na naman mahahabol yun o ng ABS dahil wala na po in-apply na bagong franchise ang ABS.”


“ABS is no longer after any franchise, okay? Ganoon yun, shunga kayo! Ganoon yun mga shunga! Kasi lagi kong naririnig, ‘Naku, si ganyan, kaya ‘yan ganyan kasi sa franchise…kasi umaasa sila.’

“Wala na po kaming inaasahan. Tapos na po yung chapter na yun. Yung kabanatang yun, tapos na. Ganoon yun! Hindi niyo alam ang mga pinagsasasabi ninyo. Move on, move on,” aniya pa.

Ang tinutukoy ni Vice ay ang pagbibigay ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Advanced Media Broadcasting System, Inc. (ABMS) na pag-aari ni dating Sen. Manny Villar para sa pansamantalang pagkokontrol sa dalawang channels na dating ginagamit ng ABS-CBN —  ang Channel 2 at Channel 16.

Binigyan ng NTC ng “temporary” permit ang AMBS para gamitin ang Channel 2 na dating analog TV frequency ng ABS-CBN habang “Provisional authority” naman ang ibinigay ng NTC sa AMBS para makapag-operate gamit ang Channel 16, na dating digital TV frequency ng Kapamilya network.

Samantala, isa naman sa mga nag-react sa mga pahayag ni Vice ang kapwa niya TV host at komedyante na si Arnell Ignacio.

Sa kanyang bagong YouTube vlog, tila nilektyuran ni Arnell ang Phenomenal Box-Office Star tungkol sa prankisa.

“Ayan, sinagot kayo ni Vice kasi ang kukulit ninyo. Pinagbibintangan ninyo sila na kaya lamang sila sumusuporta para maibalik ang kanilang franchise.

“Ang sabi niya sa inyo, ‘Hoy, hindi na kami interesado. Hindi namin hinahabol yung franchise na ‘yan dahil meron nang may-ari,'” ani Arnell kasabay ng pagsasabing mali raw kasi ang argumento ni Vice.

Aniya, hindi raw franchise ang tinutukoy ni Vice kundi frequency, “Vice, walang may may-ari ng franchise kasi wala naman lumabas na franchise. At yun ay libre. Ang tinutukoy mo ay yung frequency.”

Patuloy pa niya, “Okay, let me explain. Yung franchise, puwedeng-puwede talaga ninyong i-apply muli.

“So, itong pagbibigay ninyo ng suporta, e, puwede talagang maidugtong du’n dahil kung saka-sakaling papabor yung susunod na administrasyon na the network will be resurrected, e, talagang it will go through the process. Pero hindi imposibleng ito na ay ma-grant.

“Next, the NTC, e, merong ina-assign na frequency para diyan sa mabibigyan ng prangkisa na mag-operate ng network. You need this frequency, ito yung channel, so you cannot go back to the previous channel that you were using before.

“Puwede kayong ma-assignan ng bagong channel, maaari Channel 6 na kayo or Channel 8 or whatever, so it is not impossible,” paglilinaw pa ni Arnell na isang proud supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Chika pa ng komedyante, “If the administration that you supported favors the resurrection of the network, hindi ito magiging as challenging as before.

“But then, of course, you will always keep in mind that ang prangkisa ay ina-apply sa Congress. Ang frequency ay ina-assign ng NTC. Yun ‘yon.

“So, parang ang ating palitan, ang ating inihahain na argumento at depensa ay base sa mas sound na basehan. Pero ang inyong karapatan kung sino ang inyong susuportahan, e, ‘yan ay hindi nangangailangan ng franchise,” mahabang paliwanag pa ni Arnell na itinalaga noon ng Pangulo bilang assistant vice-president ng PAGCOR pero kalaunan ay in-appoint bilang deputy executive director ng OWWA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/311926/vice-sa-mga-anti-leni-wala-na-ho-kaming-inaasahang-prangkisa-dahil-yung-dati-naming-prangkisa-may-nagmamay-ari-nang-iba
https://bandera.inquirer.net/310306/dawn-chang-inaming-para-sa-magandang-kinabukasan-ang-dahilan-ng-pagsuporta-kay-leni-robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending